^

PSN Showbiz

Cedric nagtatagumpay na pikunin si Vhong?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Ang daming nagsasabi na intensyon ni Cedric Lee na pikunin si Vhong Navarro at mukha raw nagtagumpay ito. Naku Vhong, huwag na huwag kang mapipikon dahil ang pikon ay laging talo. Chill ka lang. Nanalo ka na sa laban. Huwag mong hayaang mabaligtad ito.

Derek dapat plantsahin ang problema sa anak

Ikaw din Derek Ramsay, huwag mong hahayaan na masapawan ka ng ina ng anak mo sa laban n’yo sa husgado. Ikaw ang nakakaalam kung may kasalanan ka sa kanila o wala. Dapat ka ba talagang padalhan ng ganun klase ng sulat ng 11-year-old son mo? ‘Yun ang dapat mong remedyuhan ngayon, da­hil anak mo siya. Magalit na ang nanay niya, pero dapat hindi siya magalit sa iyo.

Marian tiyak mapapalutang ang ganda ng wedding gown

Sikat na sikat ang ga­gawa ng wedding gown ni Ma­rian Rivera. Isa siya sa mga paboritong kunin ng mga Hollywood stars na magtahi ng kanilang gown. Siya si Michael Cinco na kilalang-kilala sa international scene. Pero siyempre siguradong mamahalin ang gown na ‘yun. Kung kaya rin lang naman nilang gumastos ni Dingdong Dantes eh bakit nga hindi? Salamat sa GMA PinoyTV,  tiyak na mapapanood ang kasal nila sa buong mundo. Pero sa ganda ng magiging bride, kahit pinaka-simpleng gown ay magagawa niyang mapalutang. Kahit sino pang tumahi nu’n.

 

vuukle comment

CEDRIC LEE

DEREK RAMSAY

DINGDONG DANTES

IKAW

MICHAEL CINCO

NAKU VHONG

PERO

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with