^

PSN Showbiz

Nanay ng young singer-actress, buto ng manok ang ipinauulam sa mga kasambahay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Parang komedya na ang dating kung minsan ng mga kuwento tungkol sa sobrang kakuriputan ng ina ng isang young singer-actress. Parang OA na kasi ang iba, parang hindi na ‘yun totoo, pero sumusumpa ang kanilang mga dating kasambahay na totoong-totoo ang mga naglalabasang istorya.

Marami raw giveaways sa bahay ng young singer-actress, ipinadadala ‘yun ng mga kumpanyang ineendorso niya ang produkto, umaapaw kuno sa dami ng produkto ang pantry nila.

Pero hindi ‘yun basta puwedeng galawin ng mga kasambahay nila, mag-umbukan man ang takip ng mga de-lata ay wala na silang pakialam du’n, basta kailangang nakasarado ang mga kahon ng mga produkto at walang puwedeng makialam.

Minsan kuno ay nagpalabas ng mga manok sa freezer ang mommy ng female personality. Naisip ng mga kasambahay, pati siguro sila ay kasama sa iluluto, ipinahimay sa kanila ang mga manok na agaran naman nilang ginawa.

Sabi ng aming source, “Mali ang hula nila, totoong sila ang naghimay at nagluto, pero hindi naman pala sila ang kakain kundi ang mga alagang aso ng amo nila.

 “’Yung mga buto-buto ang kanila, ipinalaga ‘yun at pinasahugan ng mga gulay, ‘yun ang sa kanila at ang mga laman, e, para sa mga imported na aso.

 “Buti na lang at hindi nila isinagad ang paghimay, may mga itinira silang laman sa buto, may isa sa kanilang nakaisip na baka naman ‘yung mga buto lang ang para sa kanila,” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Ang mga kahun-kahong shampoo raw na ibinibigay ng mga kumpanya sa young singer-actress ay hindi naman nagagalaw, baka kapag binuksan daw ‘yun para ipamigay ay wala nang bula, ganu’n kuno katindi ang kakuriputan ng mommy ng young female personality.

Dagdag na kuwento pa ng source, “Kapag may mga kamag-anak silang dumadalaw, ‘yung mga giveaways ang ipinauuwi nila. De-lata, shampoo, alcohol, sabon, lotion, at kung anu-ano pang products na ine-endorse ng girl.”

Ubos!

Dingdong at Marian ayaw maging masyadong paboloso ang kasal

Kahanga-hanga ang mga pinaiiral na makalumang paniniwala ni Marian Rivera tungkol sa nalalapit nilang pagpapakasal ni Dingdong Dantes.

Caviteña si Marian, probinsiyana kung tutuusin, kaya matindi ang pagpapahalaga niya sa mga kapaniwalaang Pinoy tungkol sa pagpapakasal.

Ilang araw na ang nakararaan ay namanhikan na ang buong pamilya ni Dingdong, pormal na nitong hiningi ang mga kamay ni Marian, isang kulturang Pinoy na pinahalagahan nila kahit gaano pa kamoderno ang panahon ngayon.

Ang paniniwala na bawal isukat ang traje de boda, hindi ‘yun gagawin talaga ni Marian, kahit pa sikat na designer na hinahangaan niya (Michael Cinco) ang gagawa ng kanyang damit-pangkasal.

Siguradong napakagandang bride ang lalakad papunta sa altar sa December 30 at isang napakaguwapong groom naman ang naghihintay sa kanya.

At kung kilala nga natin si Marian na iyakin, malamang na maghulas sa kaiiyak niya ang make-up ni Bambbi Fuentes, pero walang mababawas sa kanyang kagandahan sa napakahalagang araw sa kanyang buhay.

Kuwento ng dalaga ay mahirap daw palang magpakasal, lahat ng anggulo ay inaayos nilang mabuti ni Dingdong, may wedding planner man sila ay inaalagaan pa rin nilang mabuti ang lahat ng mga detalye para lumabas na maayos ang kanilang pag-iisang dibdib.

Hindi nakikipagbonggahan sina Dingdong at Marian, isang maayos na kasal lang ang kanilang hangad, hindi nga naman kasi sa pagiging paboloso ng kasal sinusukat ang pagmamahalan.

Marami nang nagpakasal nang bonggang-bongga ang pagkatapos lang nang ilang taon ay nagkahiwalay na. Meron namang mga personalidad na sa huwes lang nagpakasal pero hanggang ngayo’y maligaya pa ring nagsasama at buung-buo ang mga pamilya.

vuukle comment

BAMBBI FUENTES

DINGDONG DANTES

MARAMI

MARIAN

MARIAN RIVERA

MICHAEL CINCO

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with