^

PSN Showbiz

Actor pinaaalagaan sa iba ang pagka-cute-cute na anak!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Parang ipinamigay ng isang actor ang naging anak niya sa non-showbiz girl. Pagka-cute-cute pa naman ng bata. Maputing-maputi at ang ganda ng mukha. Parang foreigner nga ang ama eh. Pero nang magtanung-tanong kami kung kaninong anak ‘yun, sa actor daw na dating pinagnanasaan ng mga bading at matrona noon.

Ang gandang lalaki kasi nitong si actor, pero nalihis yata ang landas kaya nagkanda-ligaw-ligaw din ang career hanggang sa maglaho na ang naipundar na kasikatan sa showbiz.

Ngayon, bibihira na siyang maalala at pumasok sa kamalayan ng fans.

Kung hindi ko pa nakita ang pagka-cute-cute na anak nito na inaalagaan ng isang mabuting kaluluwa ay hindi ko siya maaalala.

Sayang talaga ang actor na ito. Bukod sa looks, magaling sana itong umarte.

Baka hindi nga sa showbiz ang kaligayahan niya.

Mga dating sikat na kanta binubuhay ng ASAP

Maganda ‘yung portion ng ASAP19 kung saan gini-guest nila ang mga dating sikat na singer/composer. Kahapon, ay guest si Nelson del Castillo na nagpasikat noon sa kantang If and You’re My Bestfriend.

Sikat na sikat noong early 2000 ang dalawang nasabing kanta at binuhay nga kahapon sa ASAP.

Ilan sa mga nag-guest na sa nasabing OPM Throwback portion ng ASAP ay sina Rey Valera, Lilet, at Jessa Zaragosa.

At least kasi ang mga kanta ng mga dating singer, hindi puro birit na minsan ay nakakaloka nang pakinggan.

Mga seksing litrato sa underwear show pinagpipiyestahan sa internet ng mga bata

Patok na patok sa social media ang mga nagseseksihang pictures ng mga rumampa sa sa denim and underwear show last Saturday night.

Si Jake Cuenca, ipinakita na ang puwet at literal na ang kanyang ari lang ang binalutan ng kulay itim na tela.

Si Tom Rodriguez, nangiliti ng audience at ibinaba ang suot na underwear.

Si Martin del Rosario and Markki Stroem parang may dinudukot sa kanilang suot na underwear.

At si Ellen Adarna, sobra rin ang ipinakitang kaseksihan. Si Dennis Trillo nag-underwear din. At marami pang ibang nagseseksihang mga artista na rumampa.

Kaya naman kahit mga bata at menor de edad, naaaliw tingnan ang mga seksing mga larawan na nagkalat sa social media. Kahit anong pigil, hindi naman puwedeng itago dahil open sa lahat ang Internet. Maraming nagsi-share sa mga social media accounts kaya hindi kataka-takang alam na nila ang kuwento kahit pang-matanda lang sana ang ganung kaseksihan.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

IF AND YOU

JESSA ZARAGOSA

MY BESTFRIEND

REY VALERA

ROSARIO AND MARKKI STROEM

SI DENNIS TRILLO

SI JAKE CUENCA

SI MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with