^

PSN Showbiz

Lea titingnan ang galing ni Rachelle Ann sa Miss Saigon

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kasalukuyang nasa London ang original star ng Miss Saigon na si Lea Salonga for a month-long concert tour with Il Divo at dahil nasa London siya, nakatakda niyang panoorin ang restaging ng Miss Saigon na una niyang pinagbidahan sa West End.  Proud si Lea sa Kapuso artist na si Rachelle Ann Go na siyang gumaganap sa papel na Gigi dahil sa magagandang reviews na kanyang naririnig tungkol sa singer.

Kung panonoorin ni Lea ang revival ng Miss Saigon sa West End, idamay rin kaya niya ang pano­nood ng Here Lies Love sa London kung saan naman tampok ang isa pang Kapuso singer-actor na si Mark Bautista who plays the role of the late Pres. Ferdinand Marcos?

Sa pagbabalik ni Lea ng Pilipinas ay muli niyang haharapin ang pagiging isa sa mga coach ng Season 2 ng The Voice Philippines kung saan niya muling makakasama sina apl.de.ap (Allan Pineda), Sarah Geronimo, at Bamboo Manalac.

Niño labis ang pasasalamat kay Bossing Vic

May tatlong episode ang My Big Bossing’s Adventures na pinagbibidahan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) box-office star na si Vic Sotto.  Ito ay ang Taktak na pinamamahalaan ni Marlon Rivera, Sirena na ididirek ni Tony Y. Reyes at ang Prinsesa na si Joyce Bernal naman.

Ang mag-amang Niño at Alonzo Muhlach ay makakasama nina Bossing (Vic) at Ryzza Mae Dizon sa Prinsesa episode.

Ayon sa co-producer ng movie na si Boss Orly Ilacad ng OctoArts Films, ang My Big Bossing’s Adventures ang pinakamalaking MMFF movie ni Vic in terms of cast and production values.

Tuwang-tuwa rin si Niño sa kanyang pagkakasama sa pelikula dahil bukod sa katrabaho niya sina Vic at Ryzza Mae, kasama din niya ang bunso niyang si Alonzo na siyang tinatayang next important child star.

Bukod kina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Niño, at Alonzo Muhlach, tampok din sa My Big Bossing’s Adventures sina Ma­rian Rivera (her last movie bago siya ma­ging Mrs. Dingdong Dantes), Nikki Gil, Pauleen Luna, Jose Manalo, Manilyn Reynes, Zoren Legaspi, at Maricar de Mesa.

Kim delos Santos nurse na sa Amerika, ikakasal na rin uli

Taong 2004 nang magkahiwalay ang young couple noon na sina Kim delos Santos at Dino Guevarra.  May lumabas na balita noon na battered wife umano si Kim at may other woman si Dino kung kanino ito may anak. Hindi naging ma­gan­da ang paghihiwalay noon ng (da­ting) mag-asawa lalupa’t pinalayas noon ni Dino ang kanyang asa­wa sa bahay na kanilang inuupahan.  Walang-wala si Kim noon at kung hindi kami nagkakamali ay tumulong pa sa young actress sina Kris Aquino at Boy Abunda para lamang sa pamasahe ni Kim patungong Amerika habang pansamantalang naiwan ang kanyang ina. And that was 14 years ago.

Nagkaroon kami ng communication ni Kim sa pamamagitan ng Facebook at ibinalita nito sa amin na kasalukuyan siyang nakatira sa New Jersey, USA kasama ang kanyang ina at tatlong kapatid na sina Eddie, Dennis, at Florence.  Nagtatrabaho si Kim bilang licensed practical nurse and engaged to be married sa isa ring Pinoy na nasa New Jersey. Ayon kay Kim, nagbabalak umano silang mag-relocate sa Texas o Florida sometime next year.

vuukle comment

ALONZO MUHLACH

KIM

MISS SAIGON

MY BIG BOSSING

NEW JERSEY

RYZZA MAE DIZON

VIC SOTTO

WEST END

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with