^

PSN Showbiz

Nora gusto namang maging aswang!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Dalawang araw guest ng The Ryzza Mae Show si Nora Aunor para i-promote ang Dementia. Mapapanood siya bukas, Lunes at Martes at sa nakita naming pictures nila ni Ryzza Mae Dizon sa Instagram (IG) ni Aleng Maliit, nag-enjoy sa kanyang guesting ang Superstar.

Showing sa September 24, ang Dementia at sa interview ni Guy after ng general presscon, binawi ang unang sinabi na isa lang ang dialogue niya sa movie. Marami raw siyang  dialogue at nagbibiro lang siya. Ikinuwento nitong may mga naririnig at nakikita siyang nakakatakot bandang huli ng shooting nila sa Batanes, pero hindi nag-elaborate.

Sabi ni Guy, gusto niyang gumanap na aswang sa mga susunod niyang pelikula, in fact, she’s open to portray different roles at ang hindi lang daw niya kaya ay ang maging Dyesebel.

Two days after ng opening ng Dementia, pupunta na sa Tacloban si Guy para sa shooting ng Yolanda, ang bagong pelikula niya under director Brillante Mendoza. Hindi pa nito alam ang iba niyang kasama at ang alam lang, true-to-life story ang kanyang gagawin.

Sa October 25, lilipad naman siya for New York dahil tatanggap siya ng National Artist Award mula sa Filipino Community sa NY. Sa Carnegie Hall gagawin ang awarding ceremony.

Medyo matagal mawawala si Guy dahil didiretso siya sa London para ipaayos na ang boses. Humihingi ito ng dasal na matuloy na dahil miss na miss na nitong kumanta.

Alden magsasabay sa Illustrado at Bet…

Naglalabas na ng publicity photos ng Ilustrado, ang unang “bayani serye” ng GMA 7, pictures nina Alden Richards na gumaganap na Dr. Jose Rizal, Kylie Padilla bilang Leonor Rivera at Solenn Heussaff bilang Nellie Bousted.

May ilang pictures din nina Jaclyn Jose, Freddie Webb, Marco Alcaraz, at Eula Valdez na lumabas na sa internet.

Mukhang magsasabay ang airing ng Ilustrado at Bet ng Bayan, kung saan, co-host ni Regine Velasquez-Alcasid si Alden na pilot na sa October 5. Natutuwa ang fans ng aktor dahil madalas na naman siyang mapapanood.

Julie Anne may solo concert na

Nabanggit dati ni Julie Anne San Jose na gaganapin ang first major concert niya before the year ends at matutuloy na nga ito sa SM MOA Arena sa December 13, 2014 to be directed by Louie Ignacio.

Inaalam na ng fans ni Julie Anne kung makakabili na sila ng tiket dahil gusto nilang maunang makabili ng tiket.

Wala pang masyadong detalye ang concert, gaya ng producer, title at guests dito. Request ng JuliElmo fans kay Elmo Magalona na mag-guest sa concert. Para kahit isang gabi man lang, mapanood silang magkasama ng original nitong ka-love team.

Max todo ang paghahanda sa pagrampa

Si Max Collins ang naalala namin nang makansela ang Bench The Naked Truth Denim & Underwear Fashion Show  last Friday dahil sa bagyong Mario. Kahapon lang, 5:30pm., natuloy ang fashion show na inaabangan ng marami.

Naka-table namin si Max sa birthday party nina Jun Nardo at Dondon Sermino at kahit marami ang masarap na food, soup lang talaga ang tinikman nito dahil rarampa nga siya. Kahit may masarap na Estrel’s cake sa harap namin, hindi siya na-tempt kumain at siya lang ang nag-slice ng cake at ibinigay sa press people.

Kahit sinabi ng manager nitong si Perry Lansigan na kumain ito kahit kaunti dahil baka himatayin na ang aktres sa pagda-diet, hindi pa rin napilit ang aktres. Sabi ni Max, food sa Cinnabon ang una niyang kakainin after ng fashion show and by now, na-fulfill na sigurado ang craving niya.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALENG MALIIT

BENCH THE NAKED TRUTH DENIM

BRILLANTE MENDOZA

DAHIL

DONDON SERMINO

DR. JOSE RIZAL

JULIE ANNE

LANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with