^

PSN Showbiz

Kaparehong-kapareho kasi ng kay Marian: Heart biglang nagpalit ng damit!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Isi-celebrate ng bida ng Niño na si Miguel Tanfelix ang kanyang kaarawan sa Sunday All Stars ngayong Linggo.

Pagkatapos ng mapa­ngahas na rampa nila sa The Naked Truth ng Bench, may mainit at masaya ring number na inihanda sina Dennis Trillo na magpu-promote ng serye niyang Hiram na Alaala at si Tom Rodriguez para sa bagong game show niyang Don’t Lose the Money.

PAK: Parang pinaglaruan ng tadhana sina Marian Rivera at Heart Evangelista nang magkapareho ang suot nila kahapon.

Magkapareho talaga ang damit na Dolce and Gabbana ang suot nila na kung saan nakipag-meet si Marian kay Michael Cinco na gagawa ng kanyang wedding gown. Nag-meet sila sa Makati Shangri-La na kung saan doon nila pinag-usapan ang wedding gown na isusuot ng GMA Primetime Queen.           

Si Heart naman ay pupunta na sana sa GMA 7 para sa Startalk at ganun din ang suot niya. Pareho nilang ipinost sa kanilang Instagram account at pareho rin silang may bitbit na Birkin bag.

Mas nauna lang si Marian na mag-post na suot ang nasabing damit.          

Pinaglaruan tuloy sila sa social media account at parehong nag-react ang kanilang fans.           

Kaagad pinayuhan si Heart na magpalit na lang ng damit para maiwas na lang sa intriga. Kaya iba na ang suot nito pagdating sa Startalk.           

BOOM: As of presstime, hindi pa rin nagbigay ng statement si Cherry Pie Picache tungkol sa pagpaslang sa kanyang inang si Zenaida Sison.

Ilan sa mga malalapit na kaibigan ng aktres ang sumubok na kausapin ito at kapanayamin, pero nakiusap itong huwag munang kausapin lalo na’t iniimbestigahan pa ito.

May ilang taong pinagdududahan na sa nangyari sa ina ni Cherry Pie, pero ma­buting wala raw munang sasabihin ang pamilya dahil hinihintay lang nila ang resulta ng imbestigasyon ng mga pulis.

Kasalukuyang nakaburol ang ina ng aktres sa Arlington Memorial Chapel.           

Nakikiramay po kami kay Cherry Pie at sa lahat ng miyembro ng pamilyang iniwan ni Ginang Sison.

vuukle comment

ARLINGTON MEMORIAL CHAPEL

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

DENNIS TRILLO

DOLCE AND GABBANA

GINANG SISON

HEART EVANGELISTA

LOSE THE MONEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with