^

PSN Showbiz

Nanay ni Cherry Pie, pinatay sa kasagsagan ng bagyong Mario

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakakapangilabot isipin na habang malakas ang buhos ng ulan at bumabaha sa Metro Manila noong Biyernes, isang krimen ang nagaganap sa Quezon City. Ang pagpaslang kay Mrs. Zenaida Sison, ang 75-year-old mother ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Ang igalang ang kanilang pagluluksa at privacy ang pakiusap ni Cherry Pie sa mga miyembro ng media na sumugod sa bahay ng kanyang ina nang malaman nila ang malagim na balita.

Nangako si Cherry Pie na maglalabas ng official statement ang kanyang pamilya tungkol sa pagpaslang sa nanay niya.

Mismong si Cherry Pie ang nakadiskubre sa lifeless body ng nanay niya na tadtad ng maraming saksak.

Agad na pinuntahan ni Cherry Pie ang kanyang ina dahil hindi nito sinasagot ang mga tawag niya sa telepono.

Napanood ko sa mga news program ang TV coverage ng malungkot na sinapit ng nanay ni Cherry Pie na labis-labis ang pagdadalamhati pero composed na composed pa rin.

Nagawa pa ni Cherry Pie na pakiusapan ang mga reporter na bigyan sila ng privacy. Kung ibang tao ang nasa posisyon ni Cherry Pie, baka hysterical na sila.

Nakikiramay ako at ang staff ng PSN kay Cherry Pie at sa mga naulila ng kanyang ina. Matukoy sana ng mga pulis sa lalong madaling panahon ang tao na pumatay kay Mrs. Sison.

Model-actor wagas ang pagiging user-friendly

Natuloy kahapon ang The Naked Truth, ang denim and underwear fashion show ng Bench na na-postpone noong Biyernes dahil sa bangis na dala ni Typhoon Mario.

Idinaan na lang sa biro ang postponement ng fashion show. Pinagbibintangan ang bagong celebrity model ng Bench na dahilan ng pagkaudlot ng The Naked Truth.

Nega ang image ng celebrity model na may sakit na amnesia dahil ang mga tao lang na mapapakinabangan niya ang kanyang natatandaan.

Matagal nang nag-aartista ang aktor pero mailap sa kanya ang suwerte dahil sa image niya na user-friendly.

Ilang beses ko nang na-encounter ang aktor at bumabati naman sa akin kapag nagkikita kami. ‘Yun nga lang, hindi magmarka sa utak ko ang aktor  dahil kulang na kulang siya sa star quality.  Hindi sapat ang pagkakaroon niya ng boses para ma-achieve  ang kanyang pinapangarap na popularity sa entertainment.

Wedding gown ni Marian si Michael Cinco ang gagawa

Confirmed na si Michael Cinco ang designer ng wedding gown ni Marian Rivera.

Si Michael ang sikat na Filipino designer sa Dubai at siya ang pinili ni Marian para gumawa ng gown na gagamitin niya sa kasal nila ni Dingdong Dantes sa December 30.

Nagkita na nang personal sina Michael at Marian. Pinag-usapan na nila ang design ng wedding gown na ipinangako ni Michael na magiging fabulous.

Natatandaan ko na naging news  ang pagpapagawa ni Marian ng wedding gown kay Michael pero walang kumpirmasyon dahil hindi pa pinaplano noon ang pag-iisang dibdib nila ni Dingdong.

Nagpainterbyu na sina Marian at Michael sa GMA News tungkol sa wedding gown na ipinapagawa ng aktres sa sikat na fashion designer.

Excited na ang fans ni Marian na makita ang sketch at design ng kanyang wedding gown.

Napakaaga pa para ilabas ni Michael ang design ng wedding dress ni Marian kaya matagal-tagal pa ang paghihintay ng fans.             

vuukle comment

BIYERNES

CHERRY

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

MARIAN

MICHAEL

MICHAEL CINCO

NAKED TRUTH

PIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with