^

PSN Showbiz

Derek gustong bumawi sa anak

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tila nauwi sa amicable settlement ang huling pagkikita ng estranged couple na sina Derek Ramsay at Mary Christine Jolly sa tanggapan ng City Prosecutor’s Office sa Makati City sa harap ni Asst. City Prosecutor Edwin Dimayacyac kung saan kasama ni Mary Christine ang kanilang 11-year-old son ni Derek na nagbigay umano ng personal letter ang bata sa Asst. City Prosecutor in defense of his mom pero hindi na dinetalye ng fiscal ang nilalaman ng sulat.  Palibhasa’y hindi sanay ang bata sa ganoong atmos­phere, umiyak umano ito.  At kung magtutuluy-tuloy ang magandang development sa pagitan nina Derek at Mary Christine Joy, titiyakin ni Derek na babawi siya sa kanyang anak.

Lucho nina Juday at Ryan gusto nang magkaroon ng bagong kapatid

Nag-evolve na si Judy Ann Santos sa kanyang pagi­ging Drama Queen sa pagiging isang mahusay na TV host na ilang beses na rin niyang pinatunayan sa pamamagitan ng iba’t ibang reality TV programs na patuloy na ipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

Aminado naman ang aktres na malaki ang impluwensiya ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo na nagsi­mula sa pagiging TV host bago ito naging actor sa kanyang pagi­ging host ngayon. Speaking of Juday and Ryan, hindi ikinakaila ng couple na gusto pa rin nilang sundan ang kanilang bunsong si Lucho na humihingi na rin ng baby brother o baby sister.

LJ mas in demand sa indie

Hindi ikinakaila ni LJ Reyes na civil pa rin sila hanggang ngayon ng ama ng kanyang four-year-old son na si Ethan Akio na si Paulo Avelino although gusto niya na maibalik ang kanilang pagiging magkaibigan if only for their son.

Hindi issue kay LJ kung si KC Concepcion man ang maging kasintahan ni Paulo.  After all, matagal na silang hiwalay ni Paulo at may kani-kanya na silang buhay ngayon.

Samantala, natutuwa ang Kapuso actress na hindi siya nawawalan ng proyekto at napaka-in demand niya sa paggawa ng indie movies at kasama na rito ang dala­wang proyekto na  Homeless at ang Bigkis.

vuukle comment

CITY PROSECUTOR

DEREK

DEREK RAMSAY

DRAMA QUEEN

EDWIN DIMAYACYAC

ETHAN AKIO

JUDY ANN SANTOS

LUCHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with