^

PSN Showbiz

Sarah nahihilig na rin sa sports

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Kita mo nga naman at iba ang ginaga­wang bon­ding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Sa halip na mamas­yal, manood ng sine, o kumain sa labas, archery ang pinagkakaabalahan ng da­la­wa. Para silang apo ko na pumapana na paraang naglalaro lang. Kaka-enjoy silang pagmasdan. Kung sabagay, mas mabuting sports ang pagbalingan nila ng atensyon. Magiging healthy pa sila. ‘Di bale si Matteo, talagang maraming sports, pero si Sarah, wala. Buti na lang nahihilig siya sa archery. Malay n’yo baka guma­ling siya nang husto.

Indulto na naman…

Wala, inabot na naman tayo ng indulto. Ano nga ba ang pangalan ng bagyong lumapastangan na naman sa atin? Aba, eh para siyang Ondoy, walang tigil sa paghagupit. Buti na lang wala siyang dalang malakas na hangin kundi nalagot na naman tayo!

Kayo naman, hinihintay n’yo pang malagay kayo sa pa­nganib bago n’yo lisanin ang mga bahay n’yo. Naiintindihan ko na takot kayo na baka malusutan kayo ng mga magnakaw pero mas mahalaga ba ang gamit kaysa buhay? Bago pa dumating ang panganib, dapat nasa safety na kayo.

Huwag na kayong maghintay hanggang sa hu­ling sandali. 

Nakakatakot habang pinanonood ko ang coverage ng GMA ng bagyo kahapon. Hindi maabot ng isip ko kung paano na naman makakaahon ‘yung mga nasalanta. Eh ‘yung mga biktima ng bagyong Yolanda ay hindi pa natutulungang lahat. Bigla nagdasal ako na kung pwede spare na naman tayo ni God. Sa mga ganung pagkakataon. Siya, lamang naman ang makakatulong sa atin, ‘di ba?

vuukle comment

ANO

BIGLA

BUTI

HUWAG

MATTEO GUIDICELLI

NAMAN

SARAH GERONIMO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with