^

PSN Showbiz

Kris idinadawit ni Deniece Cornejo sa pagkabasura ng kanyang rape case

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen : Nadadamay ang pangalan ni Kris Aquino sa reklamo sa Commission on Human Rights ni Deniece Cornejo dahil siya ang pinagbibintangan na tinutukoy na top ABS-CBN talk show host at aktres na nakialam upang ma-dismiss ang rape charge niya (Deniece) laban kay Vhong Navarro.

Hindi pinangalanan ni Cornejo ang TV host/actress sa sulat niya kay CHR Chair Loretta Rosales.

SCENE : Supalpal sa isang forecaster ng PAGASA si Anthony Taberna nang tanungin niya tungkol sa projection kung matutulad ba sa nangyari sa bagyong Ondoy ang ulan kahapon.

Seen : Nagpapahiwatig  at  kumambyo si Aljur Abrenica sa kanyang statement na gusto niya na manatili na Kapuso actor pero hindi bilang talent ng GMA Artist Center.

Scene : Ang V sign ni Cedric Lee nang lumaya siya sa Taguig City Jail noong Martes. V sign for Vhong, not for victory?

Seen : Sa gitna ng malakas na buhos na ulan at malalim na tubig baha kahapon, nagawa pa ni Martin del Rosario na ipaalaala sa lahat na huwag kalimutan na panoorin ang The Naked Truth fashion show ng Bench.

Scene : Insensitive ang tweet ni Martin del Rosario kahapon na bagyo man, paiinitin namin kayo ngayong gabi habang nagdurusa ang mga kababayan natin na apektado ng lagpas-tao na baha.

Seen : Bitbit nina Mark Herras at Yasmien Kurdi noong Huwebes  ang kanilang mga anak sa  2nd birthday celebration ni Katie, ang anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANG V

ANTHONY TABERNA

ARTIST CENTER

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

HUMAN RIGHTS

KATRINA HALILI

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with