^

PSN Showbiz

Jane at Jeron ‘di malinaw ang relasyon

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Hindi marahil sapat ang naging ka­­ganapan sa debut ni Jane Oineza sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house kung kaya muli ay nagkaroon ito ng grand debut pagkalabas niya ng PBB house sa Fernwood Gardens. Naging escort niya rito ang La Salle star player sa basketball na si Jeron Teng. Hindi itinanggi ng dalawa na may namamagitang espesyal na re­las­yon sa kanila, pero hindi nila sinabi kung sila na nga. Eh, ano pa nga ba ang tawag sa relasyon nila?

Anne at Sam wala nang animosity ‘pag nagkikita

Civil naman pala kapag nagkikita sina Sam Concepcion at Anne Curtis. Nagkita ang dalawa sa ospital kung saan napasok ang ama nina Anne at Jasmine Curtis-Smith dahil sa isang karamdaman at wala namang namagitang animosity sa aktres at hilaw niyang bayaw. Mabuti naman.

Dingdong at Marian sinunod ang kaugaliang Pinoy

Kailan lang pala namanhi­kan sina Dingdong Dantes at pamilya niya kina Marian Ri­vera. Hindi na kasi ito napagtu­unan ng pansin matapos ang napaka-bonggang marriage proposal niya kay Marian na nasaksihan din ng mga ma­gulang nila. Pero hindi pala ‘yun ang bongga kundi ang napaka-simpleng pamamanhikan na ginawa ng aktor sa kanyang bride to be. Muli, congratulations!

vuukle comment

ANNE CURTIS

FERNWOOD GARDENS

JANE OINEZA

JERON TENG

LA SALLE

MARIAN RI

PINOY BIG BROTHER

SAM CONCEPCION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with