^

PSN Showbiz

Strategy ng abogado para mas umingay daw ang kaso Solenn, Angelica, at Cristine idinawit ng asawa ni Derek sa demanda

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nagharap kahapon sa Makati City Prosecutors Office si Derek Ramsay, ang kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly at ang kanilang 11-year old son na si Austin. Emosyonal ang paghaharap ng mag-ama dahil nakita si Austin na pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata. 

SCENE: Behind closed door ang pag-uusap nina Derek Ramsay, Mary Christine Jolly, at Austin sa Makati City Prosecutor’s Office. 

SEEN: Pinaiingay ni Mary Christine Jolly ang demanda niya kay Derek Ramsay dahil idinawit nila ng kanyang legal counsel sa reklamo  ng R.A.9262 ( Violence Against Women and their Children) ang mga ex-girlfriend ng aktor na sina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban, at Cristine Reyes. 

SCENE: Iginalang ng media ang privacy ng menor de edad na anak nina Derek Ramsay at Mary Christine Jolly. Hindi nila ipinakita sa TV at mga litrato ang mukha ni Austin. 

SEEN: Nangangamoy gimik ang nag-leak na nude photos ni Ellen Adarna dahil noong April 2014 pa nangyari ang bukal sa loob na sexy pictorial niya para sa isang magazine. Hindi big deal ang mga nude photo na gagamitin dapat na cover ng magazine. 

SCENE: Nauna sa pamanhikan ang announcement nina Dingdong Dantes at Marian Rivera tungkol sa kanilang royal wedding sa Immaculate Conception Cathedral sa December 30, 2014. Huli man at magaling, naihabol din nina Dingdong at Marian ang lumang tradisyon ng pamanhikan na nakaugalian ng conservative Filipinos at nangyari noong Miyerkules.

SEEN: Na-e-enjoy na ang showbiz ng basketball player na si Jeron Teng sa pag-uugnay sa kanya ng fans at sa starlet pa lang na si Jane Oineza. 

 

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CRISTINE REYES

DEREK RAMSAY

DINGDONG DANTES

ELLEN ADARNA

IMMACULATE CONCEPTION CATHEDRAL

JANE OINEZA

MARY CHRISTINE JOLLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with