^

PSN Showbiz

Lovi hindi mukhang may ‘galit’ kay Dingdong

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nag-post ng picture si Lovi Poe kasama ang buong cast at production staff ng Ang Dalawang Mrs. Real. Magkatabi sila ni Dingdong Dantes na parehong nakangiti at ang caption niya ay “The routine ends here but definitely not the friendship. That’s a wrap!!!” Parang hindi ramdam ang sinasabing uncomfortable si Lovi working with Dingdong. May chemistry ang dalawa, sana hindi ang serye ang last project nila together.

Bukas na magtatapos ang Ang Dalawang Mrs. Real, hindi pa alam ang ending. Sabi ni Susan Africa may flash forward at sabi ni Tommy Abuel, “intelligent, mature, tahimik, pero logical at very civil,” ang ending ng teleserye.

Tom proud na proud na pinalitan si Goma

Positive ang review ng GMA 7 management sa istilo ng pagho-host ni Tom Rodriguez ng game show na Don’t Lose the Money. Kaya ng aktor na ma­ging game show host at ang maganda, enjoy ito sa ginagawa niya. The next time na sinabi ng manager niyang si Popoy Caritativo na mag-audition siya for a certain project, hindi na siguro siya tatanggi at matatakot.

Nang una siyang sabihan ni Popoy na mag-audition, umayaw si Tom dahil ‘di raw niya kaya, pero nakumbinse rin at sa audition, sobrang kaba niya at feeling tanga dahil hindi alam ang gagawin. Kaya laking tuwa nang siya ang mapili at walang keber kahit kapalit lang siya ni Richard Gomez.

 “I don’t care if I’m the second, third or kahit billionth choice na ako. Just the fact that you’re picked, it’s for you. Lalo na kung si Sir Richard Gomez ang pinalitan ko, it’s a big compliment, si Richard Gomez ‘yun. Kaya honored ako,” sabi ni Tom.

Overwhelming para kay Tom ang experience to be hosting a game show at sa first taping day niya kahit ninerbyos, “great” pa rin ang feeling niya. Ina­lalayan siya ni Direk Mark Reyes at ng writers at production staff ng show, kaya maayos ang taping nila. Ang biggest challenge sa kanya as a host ay ang mag-memorize ng script.

Samantala, nabanggit ni Tom na balak nila ni Al Tantay na dalawin si Dennis Roldan sa kulungan. Gumanap na ama ni Tom si Dennis sa My Destiny at naalala ni Tom sa last taping day ni Dennis, niyakap siya nito ng sobrang higpit at kinabukasan, binasahan na ito ng guilty verdict ng korte.

Anyway, sa Monday, bago mag-The Ryzza Mae Show ang simula ng Don’t Lose the Money at nagpatikim sa press people kung paano nilalaro ang game. Ang bilis kumita ng pera sa game na ito.

Jeric Gonzales naambunan ng biyaya ni Ate Guy

Isa sa highlight sa career ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales ang mapasama sa cast ng Dementia at maka­trabaho si Nora Aunor na “nanay” na rin ang tawag niya. Nag-audition siya kay Director Perci Intalan at sa kanya napunta ang role ni Vincent. Ang payo ng Superstar sa kanya ay ma­ging mabait sa tao lalo sa mga nakakatrabaho, at siyempre ang ma­ging humble.

Naramdaman din ni Jeric ang pagiging generous ni Guy nang mamigay ito ng pera sa buong cast at staff sa last day shooting ng Dementia, hindi na sinabi kung magkano ang give sa kanya ng Superstar.

Sa September 24, ang showing ng Dementia na graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at ang Regal ni Mother Lily ang magre-release.

Joross at GF of seven years, hinihintay pang makasal bago mag-sex

Si Joross Gamboa at ang fiancée nitong si Katz Saga ang mauunang ikasal sa mga celebrity na sunud-sunod na ikakasal. Sa November 29, sa Fernbrooks Gardens sa New Alabang ang kasal ng engaged couple na seven years na ang relasyon.

Kuwento ni Joross sa pictorial ng Dilim ng Regal Films, may “purity pact” sila ni Katz, wala silang sexual contact hanggang ikasal sila. Para hindi ma-tempt, nagpu-push up siya bago sila matulog.

Bago ikasal, ginawa ni Joross ang Dilim na showing sa October 22 sa direction ni Joey Reyes. May ginawa rin siyang movie sa Thailand at Vietnam at Thai actors ang kasama. Busy ang groom-to-be.

vuukle comment

JERIC GONZALES

JOROSS

KAYA

LOSE THE MONEY

MRS. REAL

RICHARD GOMEZ

SIYA

TOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with