^

PSN Showbiz

Sikat na aktres at aktor na magaling sumayaw lilipat ng GMA, Lovi katakut-takot na lait ang inabot sa pandadawit kay Marian sa Aswang

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi lang sinasadya, pero parang nakisakay pa si Nora Aunor sa promo ng pelikulang Maria Leonora Teresa ng Star Cinema Films.

Sa presscon ng pelikula niyang Dementia na magsu-showing na sa September 24, nabanggit kay Nora ang tungkol sa manika nila ni Tirso Cruz III at nalaman niyang nasa pangangalaga pa ito ni Tirso.

Kaya umapela itong ibalik sa kanya ang naturang manika dahil kanya raw iyon. Kahit sira na raw ito, gusto niyang ibalik sa kanya agad.

Pati nga ang Valencia residence niya na kay Mother Lily na ngayon ay inuungot niyang isoli na sa kanya. Natawa na lang si Mother sa biro ni Ate Guy.

PAK: Matinding panlalait ang inabot ni Lovi Poe sa mga Dongyanatic nang ni-reveal ni Dondon Monteverde sa kanyang statement na kaya raw hindi nito gagawin ang Kubot: The Aswang Chronicles 2 ay dahil sa hindi raw siya kumportableng makatrabaho si Dingdong Dantes, gawa ng gap nito kay Marian Rivera.

Kung anu-anong pang-aalipusta ang inabot nito sa pag-uusap ng mga fans nina Marian at Dingdong. Sabi nila, hindi raw nila iba-bash si Lovi sa social media account nito, kundi pag-uusapan na lang daw nila sa IG account ng Dongyanatics.

Sabi ng ilang taong malapit kay Lovi, iniyakan daw niya nang husto nang nabasa niya ang statement ni Direk Erik Matti. Lalo pa itong lumala nang sumali ang Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) at nagbigay na rin ng statement ang isa sa mga producers na si Dondon Monteverde.

BOOM: May nakapagbulong sa amin sa napipintong paglipat ni Willie Revillame sa GMA 7.

Wala pa kaming naririnig sa mga taga-GMA 7, pero mukhang may paduda na ang sagot ng kampo ni Willie.

Bukod kay Willie, isa ring sikat na aktres ang umakyat sa  tanggapan ng mga executives ng Kapuso network. Mukhang nagpaparamdam na dahil ayaw na raw niyang i-renew ang kontrata niya sa ABS-CBN 2.

Narinig din naming isang aktor na magaling sumayaw ang inaayos na rin daw ang paglipat ng Kapuso network.

Abangan na lang natin kung sino sa kanila ang matutuloy.

vuukle comment

ASWANG CHRONICLES

ATE GUY

DINGDONG DANTES

DONDON MONTEVERDE

ERIK MATTI

KAPUSO

LOVI

LOVI POE

MARIA LEONORA TERESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with