FHM cover ni Diana Zubiri by request ang pagbili
SEEN: Past 2 p.m. kahapon nang makapag-post ng bail na P500,000 si Atty. Salvador Panelo sa Taguig Regional Trial Court para sa paglaya ni Deniece Cornejo. Si Atty. Panelo ang legal counsel ni Deniece.
SCENE: Pormal na ipinakilala kahapon sa Solaire Resort & Casino ang 26 official candidates ng Miss World Philippines 2014. Hindi na-miss ng media ang presence ni Roxanne Cabañero.
SEEN: Strong contender sa Miss World Philippines 2014 ang Eat Bulaga co-host na si Valerie Weigmann. Kinarir ni Valerie ang training dahil gustung-gusto niya na magkaroon ng beauty title.
SCENE: By request ang pagbili sa mga bookstore ng September 2014 issue ng FHM para hindi ito makita ng mga menor de edad. Si Diana Zubiri ang cover girl ng September issue.
SEEN: Ang meet and greet at autograph signing ni Diana Zubiri sa FHM booth sa SMX Convention Center sa September 20, 6 p.m. to 7 p.m.
SCENE: Supalpal ang mga bumatikos sa video ni KC Montero habang nasa loob ng eroplano dahil lumabas ang katotohanan na tensyonado siya bunga ng matinding turbulence nang mag-landing noong Martes sa Hong Kong International Airport ang Philippine Airlines PR 300. Napahiya ang mga basher ni KC dahil mali ang kanilang akala na nilalait ni KC ang Filipino co-passengers niya na nagpalakpakan dahil sa smooth and safe landing ng eroplano na sinakyan nila.
SEEN: Ang rehearsal kahapon sa Mall of Asia Arena ng lahat ng mga artista na kasali sa The Naked Truth, ang much anticipated denim and underwear fashion show ng Bench, bukas, September 19.
- Latest