^

PSN Showbiz

Kris sobrang generous sa kaibigan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Walang puwedeng kumuwestiyon sa pagiging ina ni Kris Aquino sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby. Gaano man ka-busy si Kris sa kanyang kabi-kabilang trabaho, she makes it a point na may panahon siya sa dalawa niyang anak sa aktor na si Phillip Salvador at ex-husband niyang cager na si James Yap

Bukod sa pagiging mabuting ina, ibang klase rin itong magmahal ng kaibigan.  Although sa October 29 pa ang birthday ng King of Talk na si Boy Abunda, isang mamahaling Hummer car ang advance birthday gift sa kanya ng kanyang best friend and co-host sa The Buzz and Aquino and Abunda Tonight bilang pasasalamat na rin ni Kris sa kanyang kaibigan na nag­daan sa isang operasyon (liver abscess) at mahigit isang buwan nagpahinga sa telebisyon.

Bukod sa pagiging “the best of friends,” si Boy ang tumatayong consultant ni Kris pagdating sa negotiation ng mga product endorsements nito.

AiAi pang-bagets talaga ang market

Talagang pambagets ang beauty ng concert comedy queen na si AiAi delas Alas dahil pawang mas bata ‘di hamak sa kanya ang kanyang nakakarelasyon.

After her controversial and short-lived relationship and marriage kay Jed Salang, heto’t may bagong boyfriend na naman pala ang singer-comedienne, ang 20-year-old badminton player and student ng De La Salle University na si Gerald Sibayan na mas batang ‘di hamak sa panganay na anak ng singer-actress na si Sancho.

Sabagay, numero lamang ang edad ng isang tao.  Age doesn’t matter kung ang isang couple ay nagmamahalan at nagkakasundo nang tapat.

Rayver hindi natatakot kay Robin?

Parehong loveless ngayon sina Rayver Cruz at Kylie Padilla na magkasama sa horror movie na Dilim na pinamamahalaan ni Direk Joey Javier Reyes under Regal Films.

Si Cristine Reyes ang huling naging girlfriend ni Rayver at si Aljur Abrenica naman kay Kylie. Kahit shooting buddies pa lamang sina Rayver at Kylie, mukhang may “spark” agad na namamagitan sa dalawa at pareho nilang ini-enjoy ang company ng bawa’t isa laluna sa set ng kanilang pelikula.

Hindi takot at bothered si Rayver sa ama ni Kylie na si Robin Padilla na minsan nang nakatrabaho ng young actor sa sitcom ng ABS-CBN na Toda Max dahil wala naman daw siyang gagawing masama sa kanyang dalaga (Kylie).

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BOY ABUNDA

BUKOD

BUZZ AND AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

DE LA SALLE UNIVERSITY

DIREK JOEY JAVIER REYES

GERALD SIBAYAN

JAMES YAP

RAYVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with