^

PSN Showbiz

Rocco at Lovi magkasamang tumingin ng condo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kitang-kita talaga sa magkasintahang Rocco Nacino at Lovi Poe ang pagka-in love sa isa’t isa. 

Gaano man sila ka-busy sa kanilang respective careers, they make it a point na meron silang constant communication at oras. Nakita rin namin sa dalawa ang pagiging supportive sa isa’t isa.

Hindi nakisawsaw si Rocco sa kinasangkutan ng kanyang nobya at mana­ger nitong si Leo Dominguez sa isang kontrobersiya with Direk Erik Matti kung saan ni-lambast ng huli sa kanyang social site account ang singer-actress at manager nito na umani ng maraming reaction.  Sa halip na mag-react, umaasa na lamang si Rocco na ma-resolve ang problema sa isang maayos at mapayapang paraan.

Sinamahan ni Lovi si Rocco recently nang ting­nan nito ang isang condo unit sa Bonifacio Glo­bal City na interesado itong bilhin.

Samantala, pinag-uusapan pa rin ngayon ang pinost ni Direk Erik Matti sa kanyang facebook account  last September 5 against singer-actress Lovi at manager nitong si Leo Dominguez na may kinalaman sa part 2 ng The Aswang Chronicles na pi­na­­mamahalaan ng controversial direc­tor under Reality Entertainment (of which he is also a partner) kasama ang Agos­tosDos Productions ni Dingdong Dan­­­tes (bida at co-producer ng pelikula) at GMA Films. Siyempre, nagulat ang ma­rami na idinaan ni Direk Erik ang kanyang galit at hinaing sa social media.

Napakaliit ng industriya para mag-away-away.  Isa kami sa umaasa na sana’y ma-resolve ang isyu sa lalong madaling panahon dahil natitiyak namin na magkakaroon ito ng matinding repercussion sa kanilang lahat. 

Ang management company ni Lovi Poe and Leo is among the founding members ng PAMI or Professional Artists Managers, Inc.

Huwag naman sanang maulit ang nang­yari noon sa pagitan ng PAMI member at entertainment co­lum­­nist na si Chit Ramos sa dati nitong alagang si Mickey Ferriols.  Nagkaroon ng sanction noon ang PAMI not to let their talents work with Mickey and along the way ay nag-suffer nang husto ang papausbong na sanang karera noon ng aktres.

vuukle comment

ASWANG CHRONICLES

BONIFACIO GLO

CHIT RAMOS

DINGDONG DAN

DIREK ERIK

DIREK ERIK MATTI

LEO DOMINGUEZ

ROCCO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with