^

PSN Showbiz

Ronnie kapit na kapit sa OMB kahit suspendido na

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Hindi ang iringan nila ni Edu Manzano ang hinihintay ng lahat na linawin ng suspended OMB Chairman Ronnie Ricketts. But it seems abala ito sa kanyang pag-aapela sa Ombudsman na ibalik siya sa posisyon kung kaya nakakalimutan na niya na linisin ang kanyang pangalan sa taumbayan. Hindi ganun-ganun lamang ‘yung naging dahilan ng pagkakasuspinde niya. Malupit ang akusasyon sa kanya na kailangan niyang masagot. At bakit pa niya hahangarin na manatili sa kanyang pwesto gayong matagal nang wala sa puwesto ‘yung pangulo na nag-appoint sa kanya. Iwan na niya ang posisyon para maibigay ito ng bagong administrasyon sa napupusuan nila. Kundi, talagang maiintriga siya.

Sen. Jinggoy parating nakaalalay kay Bong

Maski nasa loob siya ng piitan ay nagawang tulungan ni Sen. Jinggoy Estrada ang may malubhang karamdaman na si Tia Pusit. Nalaman ng senador ang karamdaman ng kasamahang artista kung kaya hindi ito nag-atubili na magbigay ng kanyang financial support. Ang senador din ang madalas umalalay kay Sen. Bong Revilla kapag inaatake naman ito ng kanyang migraine.

Marian at Heart ayaw tantanan ng fans

Hindi matapus-tapos ang pag-aaway ng mga supporters nina Marian Rive­ra at Heart Evangelista. Bakit kaya hindi sila (fans) utusan ng dalawa nilang iniidolo na tumahimik na lang para wala nang mangyayaring iringan. Hindi naman siguro like ng dalawang artistang babae na pinag-aaway sila. Nakababawas ng dignidad lalo’t umaabot na ang pagkukumpara sa kanila, hindi lamang sa hitsura nila kundi sa estado sa buhay, career, at kung anu-ano pa. Baka bukas, ang mga nobyo na nila ang pinagkukumpara na nakakaawa naman dahil inilalagay sila sa gitna ng away ng mga nobya nila.

vuukle comment

BONG REVILLA

EDU MANZANO

HEART EVANGELISTA

JINGGOY ESTRADA

MARIAN RIVE

RONNIE RICKETTS

TIA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with