^

PSN Showbiz

Nakabalik na sa Showtime Billy umaming mas gustong saktan ang sarili nang makulong

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ay nakabalik na si Billy Crawford sa It’s Showtime pagkatapos ng ilang araw na hindi niya pagtatrabaho sa programa dahil sa kontrobersiyang kanyang kinasangkutan noong isang linggo. Mayroon daw natutunan si Billy dahil sa pagkaka-detain niya sa presinto matapos masangkot sa gulo. “Kailangan mahulog tayo para may matutunan po tayo sa buhay natin. I fell hard, masakit po ‘yung mga sinasabi ng mga tao tungkol sa iyo na hindi totoo. Pero ang pinakaimportante lang po sa akin na natutunan ko, ang acceptance ng Panginoon sa akin. ‘Yun lang,” pahayag ni Billy.

Itinanggi ng binata na hindi totoo ang mga balitang kumakalat na nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng kasintahang si Coleen Garcia at lalong wala raw siya sa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot bago nangyari ang insidente. “I’m just a human being who is learning how to love and how to live. I just want to live properly. Hindi po ako nagdo-droga, hindi po ako nananakit ng babae. Mas gusto kong saktan ang sarili ko bago ako manakit ng babae. Hinding-hindi ko po magagawa ‘yan sa buong buhay ko,” paglilinaw ni Billy.

“Never po ako iniwanan ni Coleen. She never left my side simula no’ng nangyari. Thank you so much, I love you,” dagdag ng binata. “Lahat po tayo mahuhulog pero hindi po ako mag-stay sa baba. Babangon ako sa ngalan ng Panginoon. Inaalay ko po lahat, I surrender to him, that’s all. Wala na po akong laban na kailangang ipaglaban,” giit pa niya.

James tututukan si Bimby sa shooting

Noong Sabado ay nagsimula nang mag-shooting si Kris Aquino para sa pelikulang Feng Shui 2 na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Sampung taon na ang nakararaan mula nang ipalabas ang naunang pelikula ng Queen of All Media na may parehong titulo. Kinabahan daw si Kris sa muli niyang pagsalang sa mga eksena ng nasabing horror film. “It’s like going back to school. Alam mo ‘yung feeling na ninenerbiyos ka, excited ka. Tapos na-fascinate lang ako, tapos sinabihan ako no’ng nag-post ako ng picture na 2 days lang daw ang difference from 10 years ago na nag-showing ito, itong shooting day na ito. So feeling ko, parang naitadhana talaga,” pagbabahagi ni Kris.

Samantala, makakalaban ng Feng Shui ang pelikula ni Vice Ganda kung saan ay bida dito ang bunsong anak ni Kris na si Bimby. Habang abala ang aktres sa shooting ay ang dating asawang si James Yap naman daw ang magbabantay sa shooting ng kanilang anak. “Kasi ‘di ba bati na kami ni James Yap, so siya ang magbabantay. Excited na siya do’n. Ang sinabi ko lang, Bimb, of course yours is for the whole family and mine will be those who are little grown up na and for the barkadas, and then ‘yun,” nakangiting pagtatapos ng aktres.  Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AKO

BIMBY

COLEEN GARCIA

FENG SHUI

JAMES YAP

KRIS AQUINO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NOONG SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with