^

PSN Showbiz

Pero ‘di katipo ng mga ex Kris ex-husband raw ni Toni Rose Gayda ang ipinalit kay Bistek

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng isang source na ang ex-husband daw ni Toni Rose Gayda ang nababalitang ‘boyfriend’ ni Kris Aquino ngayon.

Kumpleto ang detalye ng source tungkol sa panliligaw diumano ng negos­yanteng si Moonie Lim sa presidential sister.

Nagpaalam pa raw si Mr. Lim sa kanyang ex-wife na si Toni Rose na lumalabas sila ni Kris ngayon. Pero annulled na raw sina Toni Rose at Mr. Moonie.

Mayaman daw itong si Mr. Lim although sabi ng source hindi niya ini-expect na matitipuhan ito ng TV host-actress dahil hindi ito katipo ng mga naging ex ni Kris.

May dalawang anak daw sina Mr. Lim at Toni Rose Gayda pero naaksidente ang isa at namatay.

Nasa restaurant business daw ngayon si Mr. Moonie Lim.

Dating presidente ng Philippine Stock Exchange (PSE) ang father ni Mr. Lim na si Mr. Eduardo Lim Sr. ayon pa sa source na ayaw na lang pabanggit ng pangalan.

Hindi pa nagsasalita si Kris tungkol dito na I’m sure ay hindi naman niya ililihim kung sila na nga. Madaling-madali siyang magkuwento sa kanyang mga programa.

Old rich daw ang pamilya nito pero napakamahilig daw sa mga artista ng mag-amang Lim. “Ang alam ko ex-beauty queen ang dyowa ni Mr. Eduardo Lim, Sr. ngayon,” ayon pa sa source.

Ang sabi pa ng source ito rin ang nagpapadala ng mga magaganda at mamahaling bulaklak kay Kris na fresh pa from Holland.

From Yap to Lim?

Ano kayang masasabi ni Quezon City Mayor Herbert Bautista? O ni Derek Ramsay?

20 anyos at badminton player ng La Salle, umamin na boyfriend ni Aiai

Wow. Umamin pala ang badminton player ng De La Salle University na si Gerald Sibayan na girlfriend niya si AiA delas Alas na lumabas sa GMA7.com.

Ito pala ang sinasabing bagets na boyfriend ng komedyana na hindi maepal.

Bente-anyos lang daw ang badminton player - na si AiAi pala ang team manager ng badminton team ng De La Salle kung saan nag-aaral ang kanyang anak na si Sancho. Fifty years old naman si AiAi.

                                                                                                               

 

vuukle comment

DAW

DE LA SALLE

DE LA SALLE UNIVERSITY

DEREK RAMSAY

FROM YAP

LIM

MR. LIM

TONI ROSE

TONI ROSE GAYDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with