^

PSN Showbiz

Marian naniniwala sa mga pamahiin ng kasal, walang planong isukat ang wedding gown

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Larawan ng masayang bride-to-be si Marian Rive­ra. Nahahati nito ang oras sa kanyang wedding preparations at mga showbiz commitment. Kahit nahihirapan sila sa wedding preparations ay nag-i-enjoy naman ang aktres sa bawat detalyeng ginagawa.

Kukumpilan talaga si Marian this October. Nakatakda rin silang makipag-meeting kina Gov. Vilma Santos.

Isa sa mga tunay na kaibigan ng aktres si AiAi delas Alas ang magiging bahagi ng bridal entourage kasama ang apat pang Kapamilya stars. Ang bridal shower ay sa ibang bansa gagawin. Gustong makasama ni Ma­rian ang kanyang ina sa paglalakad sa altar sa kanyang kasal.

Naniniwala pala ang aktres sa wedding traditions gaya ng pag-iwas sa pagsusukat ng wedding gown at makulay na isusuot na damit.

Gusto ni Marian na magka-baby na agad sila ni Dingdong pagkatapos ng kasal. Baka pumunta sila sa Australia o Hawaii para sa kanilang post-wedding vacation.

Liam Neeson bida sa suspense thriller movie

Ngayon pa lang ay inaabangan na ang A Walk Among the Tombstones na tatampukan ni Liam Neeson.

Mula sa patok na serye ng mystery novels ni Laurence Block ang A Walk Among the Tombstones, gagampanan ni Liam ang karakter ni Matt Scudder – isang ex-NYPD cop na ngayon ay isa nang unlicensed private investigator. Si Scudder ay napilitang pumayag magtrabaho sa tulak ng heroin na si Kenny Kristo (Dan Stevens) para sugpuin ang mga taong kumidnap at malupit na pumatay sa asawa nito. Matutuklasan ni Scudder na hindi ito ang una sa mga krimen ng taong ito na may praning at baluktot na kaisipan.

Tampok pa rin sa A Walk Among the Tombstones sina Boyd Holbrook, David Harbour, at si Adam David Thompson. Palabas na ito sa September 19 mula sa Solar Pictures.

 

vuukle comment

A WALK AMONG THE TOMBSTONES

ADAM DAVID THOMPSON

BOYD HOLBROOK

DAN STEVENS

DAVID HARBOUR

KENNY KRISTO

LAURENCE BLOCK

LIAM NEESON

MARIAN RIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with