^

PSN Showbiz

Piolo at Sam umaming higit pa sa magkaibigan ang relasyon!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nakakainggit ang samahan nina Piolo Pascual at Sam Milby. Hindi lamang pagkakaibigan ang   nag­-uugnay sa kanila. Feeling nila, mas higit pa sa pa­giging magkaibigan ang relasyon nila, para na silang magkapatid, may respeto sa isa’t isa.

Inaasahan ng lahat na magkakaron ng gap sa pagitan ng dalawa dahil iisa ang babaeng kinagigiliwan nila, si Shaina Magdayao. Pero kung tototohanin ni Sam ang panliligaw sa aktres, okay lang kay Piolo, hindi sila mag-aaway ng kaibigan niya at igagalang niya ang nararamdaman nito. “Pareho naman kaming lalaki at ang mga lalaki hindi nagsasalita,” ani Piolo nang makausap ng media, “Pero hindi mababago ng gagawin niyang panliligaw kay  Shaina ang friendship namin. Matagal na ito at ma­tatag. Hindi mabubuwag dahil lang liligawan siya ng parang kapatid ko na,” dagdag pa ni Piolo.

Ronnie suspendido, nagpabaya sa trabaho?!

Nakalulungkot naman ang balitang nabigyan ng anim na buwang suspensyon ng Ombudsman ang Chairman ng Optical Media Board (OMB) na si Ronnie Ricketts at apat niyang kasamahan sa OMB. Neglect of duty ang naging kaso nila. Matagal nang kilala ang aktor sa pagiging masipag sa kanyang trabaho kaya nakakabigla ng pagkakasuspinde sa kanya ng kalahating taon para sa isang kaso na naganap nung Mayo ng 2010. Siguradong hindi dito natatapos ang kuwento kaya may dapat pa tayong abangan para maging mas malinaw ang lahat.

Direk Wenn matagal nang nasa isip ang Maria Leonora Teresa

Para sa isang direktor na nakilala sa kanyang mga blockbuster comedies tulad ng Tanging Ina, Praybeyt Benjamin,Sisterakas, at Girl, Boy, Bakla, Tomboy, napaka-impressive ng trailer ng Maria Leonora Teresa, isang horror film, na first time ginawa ni Wenn Deramas, mula sa kuwento ni Keiko Aquino.

Matagal nang nasa isip ng direktor at ng kanyang writer ang kuwento tungkol sa tatlong magulang na nawalan ng mga anak dahilan sa isang aksidente. Ang hindi mailarawang pagluluksa ng tatlong magulang (Jodi Sta. Maria, Zanjo Marudo, at Iza Cal­zado) ang dahilan para humanap sila ng professio­nal help sa isang doktor na nagbigay sa kanila ng mga manika na hawig sa namatay nilang mga anak. Kung matutulungan sila ng manika na maibsan ang kanilang pagdurusa o takutin sila ng mga ito beyond their wildest imagination ang buod ng kuwento. Bahagi pa rin ng selebrasyon  ng ika-20 anibersaryo ng Star Cinema ang nasabing pelikula.

Sa mga hindi nakaaalam, si Maria Leonora Teresa ay pangalan ng pinakasikat na manika na ibinigay ni  Tirso Cruz lll kay Nora Aunor  nung kasikatan ng tambalan nila. Mapapanood ang pelikula sa September 17.

Ella at Bangs ‘naging’ biktima ng panghahalay

Kuwento ng dalagitang si Len na gagampanan ni Ella Cruz at kalaunan ni Bangs Garcia ang tampok sa episode ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya. Si Ella ang hinalay ng kanyang sariling ama sa murang edad na 13. Striktong Patnubay at Gabay ng magu­lang o SPG ang kailangan ng mga batang ma­nonood ng episode dahil sa maselang tema nito.

Makakasama nina Ella at Bangs sa episode sina Alex Castro, Jestoni Alarcon, Daisy Reyes, Vey­da Innoval, Laiza Comia, Kazumi Porquez, Shane Hermogenes, Tanya Gomez, at Baby Red. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz at panulat nina Denise O’Hara at Arah Jell Badayos.

vuukle comment

ALEX CASTRO

ARAH JELL BADAYOS

MARIA LEONORA TERESA

MATAGAL

PIOLO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with