^

PSN Showbiz

Megan at Mikael inilalantad na ang relasyon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tila handa na sina 2013 Miss World Megan Young at Mikael Daez na aminin ang kanilang relasyon dahil sa Instagram (IG) ni Megan, nag-post ito ng picture nila ni Mikael na wacky ang post at ang caption ay “weirdos.”

May isa pang post si Me­gan na paa ng dalawang tao lang ang nakita, the same picture na naka-post din sa IG ni Mikael, kaya nalaman ng followers nila na mga paa nila ang nasa picture.

May mga nag-comment din na nakita sila sa Pan­ga­sinan at ang pinakahuli, nakita sila sa Boracay.

Mukha ngang we’ll be seeing a lot of them sa pictures at in person da­hil open na yata silang ipa­alam ang relasyon. Na­alala namin ang nabanggit ni Mikael sa isang interview after ma­nalo ni Megan sa Miss World. May usapan daw sila na patatapusin ang one year reign ni Megan at saka sila aamin.

Nagtapos na ang reign ni Megan as Miss World-Philippines noong August 18 at sa Decem­ber this year, pipiliin na ang papalit sa kanyang Miss World. Hindi naman siguro makaaapekto sa ba­gong series nina Mikael at Andrea Torres na Ang Li­him ni Annasandra kapag nalaman ng fans ang matagal na nilang relasyon ni Megan.

Lovi nawindang sa lakas ng sampal ni Celeste

Wala na sigurong mairereklamo ang viewers ng Ang Dalawang Mrs. Real kay Celeste Legaspi dahil nagpapakita na siya ng talim sa pag-arte at sa pagganap sa role ni Aurora, ang ina ni Millet (Maricel Soriano).

Hanggang sa September 19 pa ang Ang Dalawang Mrs. Real, marami pang chance na magpakita pa ng husay si Celeste. First teleserye niya ito at may impact ang karakter niya. May tweet pala si Lovi Poe na nawindang siya sa sampal ni Celeste dahil siguro sa lakas at sakit.

vuukle comment

ANDREA TORRES

ANG LI

CELESTE LEGASPI

LOVI POE

MEGAN

MIKAEL

MISS WORLD

MRS. REAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with