^

PSN Showbiz

Komedyanang tiboli na tagtuyot ang karera, nasisimot na ang mga naipong datung

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Panipis na pala nang panipis ang kaban ng yaman ng isang pamosong female performer. Dati kasi ay parang malakas na ulan ang buhos ng biyaya sa kanyang career, ginagawa lang niyang Quiapo ang iba’t ibang bansa para sa kanyang mga concerts, pero ngayon ay tagtuyot ang kanyang karera.

Marami pa naman siyang pinagkagastusan nu’ng nakaraang taon, nagpundar siya ng bahay para sa kanila ng kanyang pinakamamahal, gumastos din siya nang malaki sa interior design ng bahay kaya halos simot na ang kanyang naiipon.

Kuwento ng aming source, “Wala kasing kasiguruhan ang trabaho niya, puwedeng mabentang-mabenta siya ngayon, pero sa mga susunod namang pagkakataon, e, walang-wala siyang booking!

“Ganu’n ang buhay ng mga artista at singers, may peak at low season. Kailangang nagtatabi sila kapag malakas ang raket nila, para kapag dumating na ang kawalan ng trabaho, meron silang madudukot sa bulsa nila.

“Tulad ng nangyayari ngayon kay ____(pangalan ng female performer), wala siyang gaanong raket, tumumal na siya, marami na kasi siyang kaagawan. Talagang mararamdaman niya ang kakapusan,” sabi ng aming impormante.

Ayon pa sa kuwento ay ang female personality raw ang sumasagot sa lahat ng pangangailangan ng kanyang karelasyon. Wala itong trabaho para gastusan ang kanyang sarili kaya ang dakilang umiibig ang bumubuhay sa kanya.

“Kaya tutol na tutol ang pamilya niya du’n sa girl, nauubos daw kasi ang pera niya, spoiled daw kasi sa kanya ang babae, kaya ubos na ang naiipon niya,” paglilinaw ng aming source.

Bigay na bigay na kung ano ang kasarian ng female performer dahil babae rin ang kanyang karelasyon. Babae sa babae. Girl to girl. Pompyang.

Pagkukumpara hindi mahalaga, Marian at Heart parehong masaya

Anumang pagkukumpara ang gawin ngayon ng kahit sino sa pagitan nina Marian Rivera at Heart Evangelista ay hindi na mahalaga. Ang importante ay pareho silang maligaya dahil sa nalalapit nilang pagpapakasal sa lalaking gusto nilang makasama habambuhay.

Lalo na sa panig ni Heart, napakalaking kaluwagan sa kanyang kalooban ang pagkakasundo uli nila ng kanyang ina, walang anak na maligayang humaharap sa altar nang hindi sila maayos ng kanyang pamilya.

Hindi rin naman ito pagpapaligsahan sa laki ng diyamanteng ibinigay sa kanila ng lalaki, wala ring labanan sa pagpapabonggahan ng lugar at reception ng kanilang kasal, napakarami nang sobrang bonggang kasalang ginanap sa showbiz na ang kinauwian din naman ay hiwalayan.

Pero may karapatang makatanggap ng maayos at disenteng kasal sina Marian at Heart. Hindi krimen kung gumastos man nang milyun-milyon ang kanilang mapapangasawa dahil minsan lang naman itong magaganap sa kanilang buhay.

Ang pag-uulit ng kasalan ay kapag sinuwerte silang makaabot sa dalawampu’t limang taon, limampung taon, at napakapalad na nila kapag inabot pa nila ang pitumpu’t limang taon na magkasama pa rin sila.

Kitang-kita sa mga mata ni Heart ang sobrang kaligayahan. Walang kailangang dayalogo ang kanyang nararamdaman. Mahaba rin ang naging biyahe niya sa pakikipagrelasyon, pero sino nga ba ang mag-aakala na isang kilalang pulitiko pala ang kanyang pakakasalan?

At ang pagmamahalan naman nina Dingdong at Marian ay literal nating masasabi na kayhaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

vuukle comment

ANUMANG

AYON

BIGAY

DATI

GANU

HEART EVANGELISTA

KANYANG

MARIAN RIVERA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with