^

PSN Showbiz

Daniel hindi mapagpatol sa mga bashers

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Isang maipagkakapuri mo sa Pinoy Big Brother (PBB) winner na si Daniel Ma­­tsunaga ay ang pagiging maginoo niya. Minsan, below the belt na ang sina­sabi ng mga bashers niya, pero never  siyang na-provoke. Kung sabagay, ako rin ang manalo ng libreng bahay at lupa at P1M, bakit ko papansinin ang mga ba­shers ko? Inggit lang sila dahil may iba lang siguro silang bet at hurt pa rin sila na hindi nanalo ang kanilang manok, kaya si Daniel ang napagdidiskitahan.

Sana mangyari na ‘yung mga pla­no ng ABS-CBN para sa kanya. Para ma­kapagsimula na siya ng trabaho at hindi sa­bihin na nauunahan siya ng mga ti­nalo niya sa PBB.

Hindi requirement ang pagiging payat Mega papasang pulitiko

Makikigulo ba si Sharon Cuneta sa pulitika? Ga­ling siya sa isang pulitikong angkan, kaya hindi na pagtatakhan kung sa pulitika rin siya mauuwi. Hindi pa requirement sa isang pu­litiko ang pagiging payat kaya okay na ang pangangatawan niya. Kung babalikan niya ang pag-aartista niya ay talagang kakaila­nga­nin niyang pumayat. Mahihirapan siyang pumunta sa alin man sa ABS-CBN o GMA, eh, magpulitiko na nga lang siya.

Marami rin namang napasaya, Tia Pusit kailangan pa ng maraming tulong

Kung makakaya nating tulungan si Tia Pusit para makapagpaopera siya, bakit tayo magkakait? Marami naman sa atin ang may sobrang pera, kaunti lamang naman ang kukunin natin para maitulong sa kanya. Kapag pinagsama-sama naman ito ay magiging malaki na rin.

Marami rin namang napasaya si Tia Pusit sa mga pagpapatawa niya noon, kaunting tulong lang siguro ay hindi na natin ipagkakait.

vuukle comment

DANIEL MA

INGGIT

MARAMI

NIYA

PINOY BIG BROTHER

SHARON CUNETA

SHY

TIA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with