^

PSN Showbiz

Kuripot na nanay ng singer-actress, nagbabaon ng mga kutkutin sa gym!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaaliw ang mga kuwento tungkol sa dakilang ina ng isang sikat na singer-actress. kilalang-kilala ang mommy ng sikat na female personality sa pagiging kuripot at mahigpit sa kanyang anak.

Sa unang gym na pinupuntahan ng sikat na singer-actress ay nagkaroon ng problema, natural lang na sa kababantay ng mommy sa kanyang anak, nagugutom, nauuhaw at naiinip siya.

E, kuripot nga si mommy, kaya ang kinakain niya habang nagdyi-gym ang kanyang anak ay ‘yung i­binabaon niya. May dala siyang cup noodles, crackers at kung anu-ano pang kutkutin para mabawasan ang kanyang pagkainip.

Kuwento ng aming source, “Natural, ipinagbabawal ‘yun sa gym. Hindi puwedeng kumain du’n, sa labas lang puwede, kaya patagong kumakain sa waiting area ang mommy ni ____(pangalan ng ina ng sikat na singer-actress).

“Kaso, marami siyang kalat pagkatapos niyang kumain. Mga pinagkutkutan ng squash seed, butong-pakwan, mga pira-piraso ng crackers na bumabagsak sa sahig.

“May canteen naman kasi sa ibaba ng building na masasarap at healthy ang mga pagkain, pero ayaw niya du’n, kuripot nga kasi siya at ayaw niyang mawala sa paningin niya ang anak niya na wala namang puwedeng gawing milagro dahil gym ‘yun.

“Kinausap siya ng management ng gym na huwag na uling kakain sa waiting area, ikinainis niya ‘yun, pero hindi niya naman inilipat ng gym ang anak niya dahil ex-deal lang ‘yun, walang bayad,” napapailing na kuwento ng aming source.

Nagpatayo sila ng isang gusali, maliit lang naman ‘yun at hindi kataasan, tutok-marino rin ang ina ng sikat na singer-actress habang ginagawa ang kanilang building.

Binabantayan niya ang mga nahuhulog na pako, pinupulot niya ‘yun, sayang daw kasi dahil hindi naman ‘yun nahihingi lang sa merkado.

Pero ang talagang inaabangan niya ay ang mga scrap, naibebenta kasi ‘yun, nagalit siya isang umaga dahil malinis ang kapaligiran. Nasaan na ang mga scrap, sino ang nakialam du’n, may magnanakaw raw sa building.

Naloka ang mommy ng singer-actress sa kanyang narinig mula sa isang trabahador, “Wala pong nakialam sa scrap n’yo, ‘yung asawa n’yo po ang nagpunta dito kagabi, hinakot ang hinahanap n’yo!”

Ha! Ha! Ha! Ha! Ubos na ubos!

KC kailangan ng matinding alaga para maiba ang kapalaran Kay Mega

Ngayon pa lang daw, ayon sa mga nagmamasid, ay kailangan nang alagaang mabuti ni KC Concepcion ang kanyang pangangatawan. Tulad ng kanyang ina ay big-boned si KC, madaling lumusog, nasa kanilang lahi ang pagiging obese.

 

Taas-baba rin ang timbang nu’n ni Sharon Cuneta, pero agad na nakababawi ang Megastar, bago magsimula ang kanyang gagawing pelikula ay sumasailalim na siya sa pagda-diet.

Hanggang nu’ng mag-treinta anyos si Sharon ay maayos pa rin ang kanyang timbang, marami ngang humahanga sa kanya dahil kapag sinabi niyang sa ganito at ganu’ng panahon ay maibabalik niya na ang tamang timbang, matagumpay niyang nagagawa ang ganu’n.

Pero nang sumampa na siya sa edad na kuwarenta ay nagtuluy-tuloy na ang kanyang paglaki, bumigat na siya, hindi na niya nakontrol ang kanyang paglapad.

Siguradong alam na ni KC ang gagawin ngayon sa kanyang pigura, mag-iingat na ang young actress, isang matinding leksiyon na para sa kanya ang depresyong pinagdaraanan ngayon ng kanyang mommy.

 

vuukle comment

ACTRESS

KANYANG

KAY MEGA

NIYA

PERO

SHARON CUNETA

SIYA

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with