^

PSN Showbiz

Jeron Teng in love kay Jane!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si Jeron Teng na gusto niya talagang nakakausap si Jane Oiñeza. Nasa dalaga raw ang mga katangian na hinahanap ng De La Salle University star basketball player sa isang babae. “Mabait talaga si Jane and she’s a happy person kasi. Lagi na lang tawa nang tawa ‘pag tinatawagan ko. She’s fun to talk with and she’s dedicated to her work. Sobrang family-oriented niya,” nakangiting pahayag ni Jeron.

Kahit magkaiba ng mundong pinanggalingan ang dalawa ay posible raw na ituloy ng binata ang panliligaw kay Jane kung mabibigyan ng pagkakataon. “Ngayon medyo busy pero tine-text ko pa rin. Kung tingin ko may chance siguro. Why not? Si Jane naman mabait siya, maganda, lahat ng qualities makikita mo na sa kanya, why not,” makahulugang pahayag ng binata. Nagbigay din ng isang mensahe si Jeron para kay Jane. “Jane, I’m proud of you and I’ll always be here for you lang and number one fan mo ako,” pagtatapos ng basketball player.

Nagbigay naman kaagad ng reaksyon si Jane tungkol sa naging pahayag ni Jeron. “Sobrang natutuwa nga po ako kasi since bago pa ako pumasok ng bahay (Pinoy Big Brother house), ganyan na talaga. Sobrang bait niya sa akin. Lahat ng ganyang attitude, natutuwa ako kasi kahit sa paglabas ko ng bahay, consistent pa din siya kaya masaya naman ako,” nakangiting pahayag ni Jane. 

Jason wala sa planong i-give up si Vickie

Maayos daw ang relasyon ng magkasintahang sina Jason Abalos at ang Pinoy Big Brother ex-housemate na si Vickie Rushton. Matatandaang naugnay ang dalaga kay Daniel Matsunaga habang nasa loob pa sila ng PBB house.

Kamakailan ay nagkaroon ng isyu sa relasyon nina Vickie at Jason nang mag-open up ang dalaga sa loob ng bahay ni Kuya. Nagkaroon daw kasi ng mga pagkukulang ang aktor sa relasyon nila ni Vickie noon. “Siguro kasi may mga nasabi siya sa loob ng bahay, siguro ‘yung mga pagkukulang ko, gano’n. ‘Yun ang pinag-usapan namin,” bungad ni Jason.

Wala raw isyu para sa aktor kahit naugnay sina Vickie at Daniel kamakailan. “Para sa akin, may tiwala naman ako kay Vickie. Ang sa akin lang talaga eh ‘yung mga hindi namin napag-usapan na issues bago siya pumasok sa loob ng bahay. ‘Yun na ‘yung pinaka-ano sa akin, hindi malinaw, hindi klaro,” paliwanag ni Jason.

Samantala, nakasuporta raw ang aktor kay Vickie kung magtutuluy-tuloy man ang dalaga sa show business.

Katunayan ay binigyan ni Jason si Vickie ng isang sasakyan na maaaring magamit ng huli kapag mayroon itong mga pupuntahan. “Oo naman, naka-support ako sa kanya. Kung ano ang gusto niya sa buhay, naka-support ako,” pagtatapos ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AKO

DANIEL MATSUNAGA

DE LA SALLE UNIVERSITY

JANE

JANE OI

JERON

PINOY BIG BROTHER

SOBRANG

VICKIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with