^

PSN Showbiz

Cristine iniintrigang buntis?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natsitsismis na buntis si Cristine Reyes. Ito raw ang rason kaya hindi siya nagsayaw sa ASAP last Sunday samantalang nag-promote ng pelikula nilang The Gifted sina Anne Curtis and Sam Milby.

Ito rin daw ang rason kung bakit sinabi niya sa interview nila sa The Buzz na nagpa-plano na rin siyang pakasal.

Nauna nang sinabi ni Cristine na gusto na niyang mag-retire sa pagpapa-sexy sa mga pelikula at tinanggihan na rin ang offer na serye sa ABS-CBN dahil sexy ang concept.

Well, baka naman nagkaroon lang ng conclusion ang mga nag-iintriga kay Cristine?

Hmmm. Baka naman sa promo lang ito ng pelikula nilang The Gifted na showing na starting tomorrow, Wednesday, in theaters nationwide.

Kilalang honest si Cristine. Hindi sa kanya uso and deny-deny kaya kung meron mang laman ang tummy niya, makasisiguro tayong aamin siya.

Kaya wait na lang tayo sa sasabihin. ‘Wag mag-assume dahil lang sa gusto na niyang magpahinga sa pagpapa-sexy. Hindi si Cristine ang kauna-unahang actress na natsismis na buntis.

Nang may tanungin akong boss ng Viva, wala raw silang alam sa isyu.

Dingdong at Marian kinausap na si P-Noy para mag-ninong?!

Misis na misis Dingdong Dantes na talaga si Marian Rivera. Kahapon kung saan opisyal na nanumpa ang kanyang magiging mister bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission sa harap ni President Noynoy, kasama si Marian sa Malacañang.

Malamang din na pormal na nilang inimbitahan ang presidente para maging isa sa mga ninong nila sa gaganapin nilang kasalan sa December 30.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS AND SAM MILBY

CRISTINE

CRISTINE REYES

DINGDONG DANTES

HMMM

MARIAN RIVERA

NATIONAL YOUTH COMMISSION

PRESIDENT NOYNOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with