^

PSN Showbiz

Dennis nakita kay Jennylyn ang mga gusto sa babae!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Rocco Nacino ang nag-promote sa Startalk nang pagbubukas ng social media account ng Starstruck 6.

Sa mga interesadong sumali sa Starstruck 6, bukas ito sa mga talented na mga kabataan edad 15 hanggang 20. Sa September 6 ay mamimigay sila ng application forms sa GMA 7 at ilu-launch ito sa Sunday All Stars  sa September 7 at magsisimula ang audition sa GMA 7 sa September 8.

Puwede kayong mag-follow sa mga social media accounts ng Starstruck, sa StarStruckGMA sa Facebook, @StarstruckGMA sa Twitter at @StarStruckGMA sa Instagram.

PAK: Napangiti si Dennis Trillo nang ibinuking sa kanya na meron pala silang duet ni Jennylyn Mercado sa bagong album ng Kapuso actress.

Ayaw niyang sagutin iyun dahil baka hindi pa raw puwedeng i-announce. Mabuting kay Jennylyn na raw manggaling.

 Okay naman daw sila ng dating kasintahan at nagpapasalamat siya na nabalik ang dating friendship nila. Pero hindi naman daw ibig sabihing nagkabalikan sila.

Pero nabanggit noon ni Dennis na kung gusto niyang makipagrelasyon uli, mas gusto raw sana niya sa isang babaeng athletic o may sense of humor na nakikita naman iyun kay Jennylyn.

“Nagkataon lang naman siguro. Pero wala pa naman eh.

“Basta firm ako sa sinabi ko noon na seryoso ako sa trabaho ko ngayon, at para sa akin, ‘yun na muna ang focus ko. Ang relasyon madaling makita ‘yan ‘pag okay na ang lahat, madali na ‘yun,” pahayag ni Dennis sa press preview ng The Naked Truth ng Bench.

BOOM : Muntik na palang mag-walk-out si Claudine Barretto sa concert ni Michael Pangi­linan na ginanap sa Teatrino nung nakaraang Huwebes.

Merong nag-perform doon na dalawang comedy bars host na ginawa nilang katatawan ang away ng Barretto sisters.

 Hindi nagustuhan ni Claudine ang mga patawa nila, kaya lumabas ito ng Tea­trino.

Mabuti’t napigilan ito ni Atty. Ferdie Topacio at ipinarating iyun sa producer na si Jobert Sucaldito.

Walang kamalay-malay ang da­la­wang bading na hosts na sina Angel at Betty la Fea na nanonood sa kanila si Claudine, kaya humingi sila ng patawad sa aktres.

Tinanggap naman ni Claudine ang kanilang apo­logy nang magkaharap sila.

 

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS TRILLO

FERDIE TOPACIO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JOBERT SUCALDITO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with