^

PSN Showbiz

Good news sa unang ‘ber’ month Sandy at anak na si Miguel nakapag-dinner na sa labas!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

First Monday of the month ngayon dahil September na. Ilang buwan na lang, Pasko na naman. Ganyan kabilis ang panahon at wish ko lang, hindi na makaranas ng malakas na bagyo at kalamidad ang bansa natin hanggang matapos ang 2014.

Dapat na maging positive tayo sa unang araw ng buwan, sa mga susunod na linggo at kung puwede sa araw-araw.

Positive news ang natanggap ko na nag-dinner na for the first time si Sandy Andolong at ang kanyang anak na si Miguel na nakikipaglaban sa testicular cancer. Ito ang unang pagkakataon na lumabas ng bahay si Miguel matapos ma-discharge sa ospital.

Babalik na si Sandy sa Pilipinas sa September 8 at uuwi siya na maligaya dahil maganda ang response ni Miguel sa chemotherapy para gumaling na ang kanyang karamdaman.

Hindi nawalan ng pag-asa si Sandy at ang kanyang mister na si Christopher de Leon nang malaman nila ang kalagayan ni Miguel. Nanalig sila sa Diyos at pinairal nila ang positive attitude kaya naging maganda ang resulta ng treatment sa kanilang anak.

Papa Erap bongga, techie at nakiki-Facetime na

Positive ang mga komento sa unti-unti na pagiging techie ni Manila City Mayor Joseph Estrada.

Marami ang naaliw kay Papa Erap dahil marunong na siyang gumamit ng Facetime para makausap niya ang kanyang mga anak.

Tinalbugan ako ni Papa Erap dahil may Ipad mini ako at may nagturo sa akin sa paggamit ng Facetime para makausap ko ang mga anak at apo ko sa Amerika  pero hindi ako natuto. Wala talaga akong tiyaga at panahon sa modern technology. Mas gusto ko pa rin na makipag-usap nang diretso sa cellphone dahil nalilito ako sa paggamit sa mga application sa Ipad mini.

Former sexy star na si Anna Lea maganda na ang buhay sa New York

Positibo rin ang mga nangyayari sa buhay ng former sexy star na si Anna Lea Javier na New York-based at doon nagtatrabaho.

Kasama ni Anna sa New York ang kanyang anak na si Anaya na turning 3 sa December.

Ang pinatay na aktor na si John Apacible ang ama ng anak ni Anna Lea. Hindi alam ni Anna Lea na buntis siya nang mabaril si John ng sariling tiyo nito.

Single parent si Anna Lea at kahanga-hanga ang katatagan na ipinakikita niya sa pagpapalaki sa anak nila ni John na walang nagisnan na ama.

vuukle comment

ANAK

ANNA LEA

ANNA LEA JAVIER

FACETIME

FIRST MONDAY

IPAD

JOHN APACIBLE

MIGUEL

NEW YORK

PAPA ERAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with