^

PSN Showbiz

Love life ni Sam napag-iwanan na nina Anne at Cristine

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Bongga talaga ang bagong movie na The Gifted na tinatampukan nina Anne Curtis, Sam Milby, at Cristine Reyes mula sa panulat at direksyon ni Chris Martinez at joint production ng Viva Films at Multi Vision Pictures Entertainment Philippines na showing sa Pilipinas on September 3 dahil magkakaroon ito ng international screening sa Los Angeles, San Diego, at San Francisco, California; pati sa Las Vegas, Nevada, Hawaii, Washington, New York, Alaska, at Maryland simula sa September 12. 

Sina Anne at Cristine ay parehong Viva stars pero may kontrata sa Kapamil­ya Network habang si Sam naman ay isa ring Kapamilya.

Parehong masaya sina Anne at Sam dahil sa kabila ng kanilang break-up ay nanatili silang magkaibigan at professional sa kanilang trabaho at walang ilang fac­tor kapag sila’y magka-trabaho. Bago ang The Gifted movie, sina Anne at Sam ay huling napanood sa fantaseryeng Dyesebel na isang malaking hit sa telebisyon.

Dahil secured sa pagmamahal ni Anne, never na nakaramdam ng insecurity at pagseselos ang nobyo ni Anne na si Erwan Heussaff, ang nakababatang kapatid ng model-actress na si Solenn Heussaff.

Kung masaya pareho sina Anne at Cristine sa ka­nilang respective love life, si Sam naman ay napapabalitang nanliligaw ngayon sa ex-GF ni John Lloyd Cruz na si Shaina Magdayao, ang nakababatang kapatid ni Vina Morales.  Huling niligawan ni Sam ang young actress na si Jessy Mendiola pero hindi ito nag-prosper.

Gina hindi napapahinga

Walang exclusive contract ang veteran actress na si Gina Pareño sa kahit saang TV network kaya malaya itong tumanggap ng offer kahit sa magkakalabang TV stations.  Although identified si Gina sa mga teleserye ng ABS-CBN, nagkaroon ito ng pagkakataon na mapanood in one of the episodes ng  weekly drama anthology ni Mel Tiangco, ang Magpakailanman.

Natutuwa si Gina dahil hindi siya halos nawawalan ng TV projects at hindi na rin nawala sa kanya ang tag na Lola Getz, isa sa mga characters na kanyang gi­nampanan sa telebisyon.

Sumusunod na rin sa mga yapak ni Gina ang kanyang anak na si Raquel Pareño sa negosyanteng si Eddie Tajonera.

vuukle comment

ANNE

ANNE CURTIS

CHRIS MARTINEZ

CRISTINE

CRISTINE REYES

EDDIE TAJONERA

ERWAN HEUSSAFF

GINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with