^

PSN Showbiz

Coco walang oras kay KC, pero gustung-gustong makasama

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Dahil marahil magkatambal sila sa Ikaw Lamang kung kaya inili-link ngayon sina Coco Martin at KC Concepcion. May nagsasabi pang nakikita silang lumalabas na magkasama sa lakaran. Subalit mariin itong itinanggi ng aktor.

“Gusto ko nga, para maka-close siya. Pero talagang walang opportunity para rito. Busy kami pareho. Bukod sa three-day-a-week taping namin ng Ikaw Lamang ay magsisimula na ako sa Feng Shui. So paano ako magkakaron ng time para maki­pag-date, maski na ‘yong friendly dates lang? Magsisimula na rin akong mag-promote ng Padre de Fa­milia namin ni Ms. Nora Aunor. Kakain din ito ng oras. Wish ko na sana, makalabas kami ni KC with friends, ‘yung mga kasama namin sa Ikaw Lamang. Ma­kakatulong ng malaki sa mga role namin kung talagang magiging malapit kami sa isa’t isa. Kaya nga nag­tataka ako kung bakit may mga nagsasabing nakikita kaming magkasama. Hindi naman ito totoo. If ever, friendly outing lang siguro, hindi ‘yung romantic dates dahil alam ko, mayro’ng nanliligaw sa kanyang artista, kung hindi pa sila. Ke totoo man ito o hindi, hin­di naman ako ang tipo na manggugulo ng relasyon nila,” paliwanag ng aktor na bagaman at marami ang bumoboto sa team-up nila ni Kim Chiu sa Ikaw Lamang, hindi naman napaghuhuli ang mga kinikilig sa kanila ni KC.

Megastar naka-tatlo rin sa TV5

Iniwan na ng Megastar na si Sharon Cuneta ang TV5. Biglaan ang pasyang ito ng aktres na tat­long taon ding nanatili bilang isang Kapatid actress at nakagawa ng tatlong proyekto sa network. Ma­tatandaang si Sharon ang artista na tumanggap ng pinakamalaking talent fee sa TV5 nang lumipat siya rito mula sa ABS-CBN.

vuukle comment

COCO MARTIN

FENG SHUI

IKAW LAMANG

KIM CHIU

MEGASTAR

MS. NORA AUNOR

SHARON CUNETA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with