^

PSN Showbiz

Ogie nagkasakit din sa ice bucket challenge, nalungkot sa ginawa ni Mega

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang si Kris Aquino ang nagkasakit sa ice bucket challenge. Pati pala si Ogie Alcasid. Bago kasi ang Throwback Thursday concert ni Ogie, tatlong araw siyang may sakit. “Sunday pa lang (last week) masama na ang pakiramdam ko. Eh Friday nang maghamon ako sa Tulfo brothers,” kuwento ni Ogie kahapon nang makatsika ko sa turn over of donations sa beneficia­ries ng #?28StoriesOfGiving, ang 28th anniversary project ng The Philippine Star na ginanap sa The Block, SM North Edsa. “Nanghingi na nga ako ng dasal sa prayer group ko. Iniisip ko paano ako makakapag-concert, pero nairaos naman.”

Dahil sa tagumpay ng Throw­back Thursday concert, definite na ang repeat nito sa September. “Right after the concert nagte-text na ang mga ka-partner ko na mag-repeat na kami,” dagdag ni Ogie.

Natanong na rin namin si Ogie kung anong masasabi niya sa ‘pasabog’ ni Megastar Sharon Cuneta na kumalas na siya sa TV5 pagkatapos dumaan sa mid life crisis kung saan prinoblema niya ang kanyang katabaan, kahit hindi pa tapos ang kanyang kontrata? “Nakakalungkot. Siyempre kasama namin siya (sa TV5).”  Binasa pa nga ni Ogie ang statement ng TV5 at wala siyang nasabi. Nag-joke lang na baka sa kanya mapunta ang natirang talent fee ni Mega. Hahaha.

So siya ba P1 billion din ang talent fee sa TV5? “Ay hindi naman. Ubos na nga,” sabay tawa ng singer/actor.

Tatlong taon ang pinirmahang kontrata ni Ogie sa TV5 at recently lang siya nag-isang taon. “Ako naman kasi sundalo lang. Kung anong ibigay sa akin, ok lang sa akin, isa lang ang hindi natuloy (The Gift),” sabi niya.

Bistek di napilit patulan ang mga ‘ratrat’ ni Kris

Bukod kay Ogie, dumalo rin sa turn over sa beneficiaries ng proyekto ng The Philippine Star si QC Mayor Herbert Bautista na kamakailan lang ay ‘niratrat’ ng ex niyang si Kris Aquino.

Mayor anong masasabi mo sa mga sagot ni Kris? Biro kong tanong kasi baka makalusot ‘di ba? Pero hindi na raw talaga siya magpapa-interview tungkol sa ex.

Kung sabagay, pinilit lang naman talaga siyang sumagot tungkol kay Kris nang magbigay siya ng birthday blowout sa entertainment press na nag-birthday from January to September.

At dahil magkatabi sina Ogie and Bistek habang ginaganap ang event ng Philippine Star, nabanggit ni Ogie sa alkalde na bagay siya sa Throwback concert niya. Kaya naman nang imbitahan siyang mag-guest sa repeat ng concert, umoo agad si Mayor. Kaya abangan ang pagkanta ang pagsayaw nilang dalawa.

vuukle comment

EH FRIDAY

KAYA

KRIS AQUINO

LANG

MAYOR HERBERT BAUTISTA

MEGASTAR SHARON CUNETA

NORTH EDSA

OGIE

PHILIPPINE STAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with