^

PSN Showbiz

Ice bucket challenge hindi para sa lahat

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Bakit ka nga naman sasabak sa malamig na tubig na may yelo para lang makasunod sa uso kung pwe­de ka namang tumulong sa pama­magitan ng pagdu-donate ng pera?   

Hindi naman mababawasan ang kasikatan ng isang artista at lalong hindi siya mapupulaan kung tatang­gi siyang maligo sa malamig na tubig na niyelohan pa.

Kung kinakaya ito ng marami, eh maswerte sila. Mga bata pa sila at siguro, walang karamdaman, pero huwag nilang aasahan na makakaya itong gawin ng lahat. Hindi naman pare-pareho ang katawan natin, Okay?

Audition sa pagbabalik ng Starstruck patok!

Maraming artista wannabes ang excited sa pagbabalik muli ng artista search na Starstruck. Ang dami kasing artista na na-discover via this search kaya mabuti naman at ibabalik ng GMA

Napakaraming magagandang alaala si Jennylyn Mercado sa pakontes na ito na ngayon ay libu-libo ang sumasali. Dati raw ay sampu lang sila, at kasabayan niya sina Rainier Castillo at Alvin Aragon. Ngayon daw ay sobrang dami na, mahirap nang makalusot kaya swertehan na lamang.

Bossing Vic at Pauleen nagliliwaliw na naman sa HK

Uy, mukhang malinaw-linaw na ang mga deklarasyon ni Bossing Vic Sotto tungkol sa relasyon nila ni Pauleen Luna. I’m sure happy ang co-host niya’t Dabarkads sa Eat Bulaga. Sumabay na kayo sa maraming nagpaplanong magpakasal na.

Balita ko ay kasalukuyang nasa Hong Kong ang magkarelasyon kasama si Ruby Rodriguez na best­friend ni Puling.

vuukle comment

ALVIN ARAGON

BOSSING VIC

EAT BULAGA

HONG KONG

JENNYLYN MERCADO

PAULEEN LUNA

RAINIER CASTILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with