Timbang ni Regine nadagdagan na naman
Seen : Pansin na pansin ang pagdagdag ng timbang ni Regine Velasquez sa kanyang sleeveless at tight curve-hugging dress sa guesting niya sa Throwback Thursday concert ni Ogie Alcasid sa Music Museum.
Scene : Ang realization ni Kris Aquino sa pagsasalita ng kanyang ex-boyfriend, si Quezon City Mayor Herbert Bautista tungkol sa mga lalake na nakarelasyon niya noon : To be honest, the recent ex’s interview this weekend naming my previous failed relationships made me realize BEING ON MY OWN IS A COMFORTABLE PLACE TO BE because I won’t have to fear another broken heart.
Seen : Ipinakita ni Ramon Bautista ang kopya ng short note na natanggap niya mula kay Mayor Rodrigo Duterte na may nakasulat na “To Ramon, Mabuhay Ka!” Pahapyaw na ikinuwento ni Ramon ang pag-uusap nila ni Mayor Duterte, “Ramon, si Rodrigo ito...” ang bungad niya. Tapos nag-usap kami... and there was peace.”
Scene : Nagkaroon ng bagong sigla ang showbiz career ni Daniel Matsunaga mula nang tanghalin siya na Big Winner ng PBB All In.
Visible si Daniel sa mga programa ng ABS-CBN.
Seen : Dapat kilabutan at humingi ng kapatawaran sa langit ang kampo ni Janet Napoles dahil sa kanilang press release na ang Holy Spirit ang lead counsel ng businesswoman na utak ng P10 billion scam.
Scene : Ang dalawang beses na imbitasyon ni Hayden Kho, Jr. na panoorin kagabi, 10:15 p.m ang guesting niya sa Face the People ng TV5.
Walang nagsabi kay Hayden na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng umaga, 10:15 a.m, ang Face the People.
Seen : May “acting” at super project si Hayden Kho, Jr. sa guesting niya kahapon sa Face the People ng TV5.
Walang bago at paulit-ulit lamang ang kanyang kuwento tungkol sa paggamit niya ng illegal drugs at mga suicide attempt noon.
- Latest