^

PSN Showbiz

Malikot ang mga kamay young actress huling nagnakaw ng belt, singer-actress ninakawan pati BF

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang ang katawan ng isang young actress ang malikot, ang kanyang mga kamay ay malikot din, super-likot kaya maraming katrabaho niya ang natatakot nang makasama siya sa dressing room.

Malakas ang loob ng isang young actress na biniktima niya, binawi talaga sa kanya nito ang isang mamahaling sinturon, walang pakialam nitong kinuha sa lalagyan ng young actress ang kanyang gamit na meron palang palatandaan.

“Nakasalang nu’n sa taping ang matinggerang young actress, sinamantala naman ‘yun ng isang kasamahan niya, kinuha niya ang belt na ninakaw sa kanya. In denial pa kasi ang girl na may mga kamay na gumagapang, sa kanya raw ‘yun, magkapareho lang daw siguro ang mga belt nila.

“Nag-one line ang malditang young actress na may-ari ng belt, ‘Sa iyo ito? Tingnan mo nga, naka-engrave sa buckle ang name ko? Binili mo ‘yan nang may pangalan ko?’

“Hindi na nakakibo si matingger-Z young actress, pero meron pa rin siyang kuda, akala raw kasi niya, e, ‘yun ang belt niya. Nakakaloka siya, nagkakaubos ang mga lipstick sa dressing room kapag nandu’n siya!

“Minamating niya, ninanakaw niya, malikot talaga ang mga kamay niya! Sayang, maganda at sexy pa naman siya at magaling siyang umarte, ha?” patotoo ng aming source.

Siya ang younger version ng isang actress-singer na matindi rin ang kalikutan ng mga kamay. Nabiktima na niya ang lahat ng kanyang mga kasamahan sa isang variety show.

“Malingat lang ang mga kasamahan niya, e, na­ka­sisingit agad siya. Mas matindi ‘yun! Walang pa­tawad! Pati mga clip at hairpin, kinukuha niya! Small time lang siya, pero wala siyang ka­dala-dala, na­huhuli na siya ng mga kasamahan niya, pero paulit-ulit pa rin siyang nangnenenok.

“Kahit nga mismong boyfriend niya, nawawalan ng stuff, karelasyon na niya ‘yun, ha, pero ninanakawan pa rin niya!” napapailing na kuwento ng aming impor­mante.

Si young actress ay galing sa pamilya ng mga artista, ang singer-actress naman ay produkto ng isang dating sikat na show para sa mga kabataan, sila ang mga lantad na matingger-Z ng showbiz.

Deniece dini-delay lang ang kaso nila ni Vhong kaya nagdi-demand ng sorry

Ano ‘yun? Sinsero kaya si Deniece Cornejo sa kanyang paniniwala na si Vhong Navarro ang nang-agrabyado sa kanya kaya humihingi siya ng public apology mula sa actor-dancer?

Maraming nawindang sa gustong mangyari ng nakakulong na babae, si Vhong pa ngayon ang kailangang mag-public apology, lokohan nga ba naman at moro-moro lang ang labanan nilang ito sa kor­te?

Nagsimula ang kanilang laban sa piskalya, kinakitaan ng merito ang mga kasong isinampa ni Vhong laban sa grupo nina Deniece at Cedric Lee, ang dahilan kung bakit literal silang humihimas ng malamig na rehas ngayon.

Ibinasura ang mga kasong ibinalik nila sa aktor, ang dinidinig ngayon ay ang matitinding asuntong isinampa laban sa kanila ni Vhong, kaya saan kaya nag-ugat ang gustong mangyaring public apology ngayon ni Deniece Cornejo?

Galit na galit sa babae ang mga tagasuporta ni Vhong Navarro, naghahalusinasyon daw ba ang dalaga, paraan lang daw kaya ito ng delaying tactic ng kampo ni Deniece?

Nand’yan na ang mga ebidensiya, nakita na ng buong mundo ang matinding resulta ng pambu­bug­bog na ginawa ng grupo kay Vhong, public apo­logy pa ang hinihingi ngayon ni  Deniece?

Papayag ba naman ang aktor sa ganu’n, bi­bi­­tiw ba naman ito sa kanyang paninindigan, sa­­­man­talang pumapabor sa kanya ang mga ebi­­den­siyang pinag-aargumentuhan nila sa husgado?

Mas makabubuti kung hihintayin na lang ng babae ang desisyon ng hukuman, tantanan na ang mga aksyong malinaw namang hindi gagawin ni Vhong Navarro, tigilan na rin ng mga kamag-anak ni Deniece ang sobrang pambubulabog sa pagka­tao ng aktor tuwing nagkakaroon sila ng hearing.

vuukle comment

ACTRESS

DENIECE

DENIECE CORNEJO

NIYA

SHY

SIYA

VHONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with