^

PSN Showbiz

Ayaw mabuhusan ng nagyeyelong tubig, Carla nag-donate na lang!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi tinanggap ni Carla Abellana ang hamon o pagno-nominate ni Louise delos Reyes na gawin nila ni Tom Rodriguez ang ALS Ice Bucket Challenge at maganda ang kanyang paliwanag. Pinost ng aktres sa Instagram (IG) ang kanyang paliwanag kung bakit hindi niya magagawa ang ice bucket challenge.

Post ni Carla: “Maraming salamat sa pag-nominate @lou_delosreyes gustu­hin ko man gawin ang #icebucketchallenge eh, araw-araw akong may taping at sa taping eh kasama ako sa lahat ng eksena. Wala pa akong oras. Pero tingnan natin, baka may mag milagro at magkaroon ako ng libreng oras para gawin yun. Sana sapat na muna ang $100 at higit sa lahat ay matuto kung ano ba talaga ang ALS. Natutunan ko na ang simpleng pag-angat ng tinidor para sa atin ay parang 10-pounds para sa mga may ALS. Isa pa, hindi sila makakatikim ng pagkain. Wala silang panlasa. Marami pa. Kaya sana nga magkaron na ng lunas para dito.”

Naintindihan ng kanyang fans si Carla, pero may mga gusto pa ring gawin nila ni Tom ang ALS Ice Bucket Challenge at willing silang maghintay kung kailan magiging handa ang dalawa sa bida ng My Destiny.

Samantala, hindi pa man sigurado kung totoong hanggang October na lang ang My Destiny, nalulungkot na ang fans nina Tom at Carla at nagre-request sa GMA 7 na i-extend ang teleseryeng nagpapakilig sa kanila ng husto.

Iza wala na halos pahinga

Araw-araw din ang taping ni Iza Calzado ng Hawak Kamay at ito raw ang rason kung bakit hindi kasama ang aktres sa presscon ng movie niya sa Star Cinema na Maria Leonora Teresa. Sa invitation ng presscon sa first week ng September, sina director Wenn Deramas, Zanjoe Marudo, at Jodi Sta. Maria lang ang nabanggit sa cast na darating sa presscon.

Sa pagtatanong, nalaman naming araw-araw nga ang taping ni Iza sa nabanggit na teleserye ng ABS-CBN kaya wala sa presscon.

Maganda pa naman ang kuwento kung bakit na­punta kay Iza ang movie project na originally kay Judy Ann Santos in-offer. Nang i-offer kay Iza ang movie, nagpaalam siya kay Judy Ann at binigyan siya nito ng blessing na tanggapin ang movie.

Aktor naka-move on na sa pakikipaghiwalay sa walang pusong ex-GF na aktres

Masaya ang mga kaibigan ng akor nang mabasa ang quotation post nito sa Instagram (IG) na “Maybe one day we’ll meet again, when we’re different people. Maybe then we’ll be better for each other” dahil feeling nila, naka-move on na ito sa tila final break-up nila ng ex niyang aktres.

Mabait ang gwapong aktor kaya marami ang nagsimpatiya sa parang pambabale-wala ng ex nito sa kanya at sa kanilang relasyon. Hindi nga maamin ng aktres na naging BF ang aktor, kaya ‘pag tinata­nong ang kampo ng aktor kung break na ang da­lawa, ang ganting tanong ay kung nag-on ba ang dalawa?

Wish ng kampo ng aktor, hindi na nito balikan ang ex kahit matapos na ang hindi pa umeereng teleserye.

vuukle comment

CARLA

HAWAK KAMAY

ICE BUCKET CHALLENGE

INSTAGRAM

IZA

IZA CALZADO

KUNG

MY DESTINY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with