Sayang lang daw ang tubig Regine hindi nakiuso sa Ice Bucket Challenge; Hawak Kamay ni Piolo papalitan nina Gerald Anderson at Lyca!
Seen: Ikinalungkot ng cast ng Niño ng GMA 7 ang announcement na malapit nang magwakas ang kanilang top rating primetime drama series. Ang Strawberry Lane ang ipapalit ng GMA 7 sa timeslot ng Niño.
Scene: Hindi na rin magtatagal sa ere ang Hawak Kamay ng ABS-CBN. Inihahanda na ng ABS-CBN ang Nathaniel, ang teleserye na ipapalit sa Hawak Kamay na tatampukan nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Pokwang, Benjie Paras, at ng The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod.
Seen: Hindi nakiuso si Regine Alcasid sa ALS Ice Bucket Challenge dahil pinili niya na mag-donate ng US$100.
Nag-suggest si Regine ng “drink one glass of water with a lot of ice after doing your donation” upang hindi maaksaya ang tubig.
Scene: Nag-renew kahapon ng kontrata sa Star Cinema si Daniel Padilla.
Seen: Hindi na dapat tinatanong sina Anne Curtis at Cristine Reyes kung alin sa mga role nila sa The Gifted ang challenging dahil angat na angat ang karakter na ginampanan ni Anne.
Scene: Inalis na ni Dyan Castillejo sa kanyang social media accounts ang litrato niya na umani ng mga pagpuna.
- Latest