^

PSN Showbiz

Parang nasa talk show ‘pag nasa trabaho dalawang senior actress walang kapaguran ang bibig

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dalawang malalaking babaeng personalidad na pareho nang may napatunayan sa kani-kanilang karera ang madalas pagkumparahin ngayon ng kanilang mga nakakatrabaho.

Sa ibang aspeto ay wala silang pagkakapareho, pero sa pinaiiral nilang ugali ngayon sa linya ng pagtatrabaho ay kapansin-pansin ang kanilang pagi­ging magkatulad.

Pareho silang nagsimula bilang mga batang artista, tumingkad ang kanilang ningning nu’ng magdalaga na sila, itinuring pa nga silang magkalaban sa kasikatan ng kani-kanilang kampo.

Magaling kumanta si Actress A, mahusay rin siyang umarte. Magaling namang sumayaw si Actress B, mahusay rin siyang aktres.

Parehong naging ferris wheel ang kanilang love life. Bagsak-bangon sila sa usapin ng pag-ibig. Ang tanging kalamangan lang ni Actress A kay Actress B ay nakatagpo siya ng lalaking naging totoo sa kanya at nagregalo pa nga sa kanya ng magagandang anak.

Si Actress B ay meron ding anak, meron pa nga itong anak-anakan, pero wala itong kasamang lalaki sa buhay ngayon.

Ang kuwento ng kanilang mga nakakatrabaho, “Pareho silang sobrang daldal sa set! Kapag pinatulan mo ang kadaldalan nila, wala kayong matatapos na trabaho. Walang katapusan ang kanilang mga kuwento, parang wala silang work, parang pakikipagdaldalan lang ang ipinunta nila sa taping!” hirit ng unang source.

Gasgas na ang sapatos ng tagasundo sa kanila sa dressing room pero wala silang pakialam, pareho silang pinoproblema ng mga produksiyong namamahala sa kanila, kung puwede lang sigurong busalan ang bibig ng mga sikat na artista ay matagal na silang naging pipi at senyas na lang nang senyas.

Magkaiba ang kanilang hilig. Palaging bundat ang tiyan ni Actress A, laman naman ng mga kuwentuhan na palaging gutom si Actress B, hindi makakain dahil sa kung anumang pinagkakaabalahan nito na nakapagbabawas ng timbang.

 “Ganu’n ba talaga ang mga artista kapag nagkakaedad na? Talk show nang talk show, walang kapaguran ang bibig, daldal nang daldal?” pagsasarado ng aming source sa isyu.

Tates hindi sumusuko kay Bistek

Magde-debut na pala si Athena, ang panganay na anak nina Mayor Herbert Bautista at Tates Gana, magdadalawang dekada na pala ang kanilang relasyon na paminsan-minsang dinadalaw ng mga paghamon pero sa dakong huli ay sila pa rin ang magkasama.

Ang dapat na theme song nina Mayor Herbert at Tates ay I Will Be Here, ang walang kamatayang awitin na may mensaheng sa pagbagsak at sa pagbangon, sa makapal at sa manipis, sa anumang uri ng panahon ay nand’yan lang sila para magmahalan at magbigay ng suporta sa isa’t isa.

Maraming sumaludo sa ginagawang pana­nahimik lang ni Mayora Tates Gana nu’ng kasagsagan ng kontrobersiya sa pagitan nina Mayor Herbert at Kris Aquino. Umurong ang kanyang dila nu’n, wala siyang binitiwang pahayag, hindi siya nakipagkomunikas­yon sa mga reporters para makakuha siya ng kakampi.

Nakabuti ang kanyang ginawa, maagang nagi­sing sa katotohanan ang aktor-pulitiko, bigla itong tumalikod sa kanilang relasyon ni Kris na ikinainis ng aktres-TV host.

Saksi ang buong showbiz sa mga sakripisyong pinagdaanan ni Mayora Tates sa karerang pulitikal ni Mayor Herbert. Siya ang malakas na hangin sa ilalim ng mga pakpak ng mayor ng Kyusi, siya ang kumikilos para humiling ng suporta sa media, kung tutuusin ay siya ang naging tulay ni Mayor Herbert sa malaking tulong na ibinigay sa kanyang political career ng mga manunulat.

Hindi namin tinatanggalan ng kredito ang katalinuhan ni Mayor Bistek, mahusay naman talaga itong tagapamuno, pero ang talento at kapasidad ay nawawalan ng saysay kung walang ayuda ang iba-ibang sektor na magluluklok sa kanya sa puwesto.

vuukle comment

ACTRESS

ACTRESS A

ACTRESS B

I WILL BE HERE

KANILANG

KRIS AQUINO

MAYOR HERBERT

SILANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with