^

PSN Showbiz

Anne ayaw gayahin ang ginagawang pamamahinga ni Cristine sa pagpapa-sexy; Angelica hindi masimulan ang serye dahil sa katabaan?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala sa plano ni Anne Curtis na mag-babu sa pagpapa-sexy, pero suportado niya ang decision ni Cristine Reyes na tumigil na sa ganitong mga role.

Nire-respeto ni Anne ang decision ni Cristine at pakiramdam niya good move ang decision ng kapwa niya Viva artist.

Besides nakita naman daw sa pelikula nilang The Gifted na keri talagang mag-comedy ni Cristine.

Actually pareho naman silang nagpakita ng kakaibang galing sa pelikulang ito na sinulat at dinirek ni Chris Martinez.

“I’m all for it, and I think it’s great for her and I think we should just respect her decision if she feels that maybe she’s maximized already ‘yung ganun’g klaseng image, maybe it’s time for her to try something else na,” sagot ni Anne na isa sa pinakamabait na artista at walang kaartehan pagdating sa trabaho.

Pinaninindigan na kasi ni Cristine ang pagre-retire sa pagpapa-sexy. Kahit sa presscon, hindi na ito gaanong nagtatagal. Right after the question and answer portion, hindi na ito nagpapa-interview.

Balitang meron na rin itong tinanggihang serye sa ABS-CBN dahil nga medyo seksi ang concept. Umano’y makakasama niya sana sina Angelica Panganiban at Jake Cuenca sa nasabing serye na wala pang balita kung matutuloy pa dahil sinasabihan din daw si Angelica na kailangan niyang magpapayat bago masimulan ito.

Going back to Cristine, hanggang mild kissing scenes na lang daw ang puwede niyang gawin.

Sinasabing ang boyfriend ni Cristine na non-showbiz ang dahilan ng kanyang pag-ayaw sa pagpapa-sexy pero hindi niya inaamin. Katuwiran ng actress, tapos na siya sa ganung mga role.

Anyway, sa trailer pa lang, ang saya na ng pelikulang The Gifted. Sa pelikulang No Other Woman huling nagkasama ang dalawa.

Pero kakaibang papel ang ginagampanan ng dalawa sa pelikulang ito. Pareho silang nerdy at brainy mula pagkabata, pero pareho ring hindi pinagpala pagdating sa kagandahan at kaseksihan.

Si Anne si Zoe Tuason, mayaman pero overweight at bitch. Si Cristine naman si Aica Tabayo­yong, ang batang napaka-nerd ng dating at may makakapal na kilay at salamin, malapad na ilong at frizzy na buhok.

Magkaibigan sila mula pagkabata pero magiging mahigpit na magkaribal sa patalinuhan at pagmamahal ng guwapo at Ingleserong si Mark Ferrer (Sam Milby).

Nang magdalaga, kapwa sila dadaan sa pagpaparetoke ng mukha at katawan para lamang maangkin ang interes ni Mark.

Dusa’t hirap ang dinanas nina Anne at Cristine habang ginagawa ang The Gifted. Malaking porsiyento kasi ng pelikula ay naka-fat suit si Anne at naka-prosthetics maging si Cristine.

Ilang electric fan ang umiikot sa set para lang maging kumpor­table ang aktres. Ang prosthetics naman, na umuubos din ng kung ilang oras bago mailagay sa kani-kanilang mga mukha, niri-retouch kada tatlong oras.

Ang premiere night ay gaganapin sa September 2, 6 p.m., sa Glorietta 4 Cinema 3 at sa SM Megamall Cinema 9, 8 p.m.

Bago ito, magkakaroon ng mall shows ang tatlo sa SM Fairview at Glorietta Activity Center, August 31, 5 at 7 p.m., respectively.

Meron ding naka-schedule na international screenings sa September 12 sa mga sumusunod: Los Angeles (Cerritos Stadium 10, Ontario Place Stadium 18, UA Horton Plaza 14, North Hollywood 8 & Orange Stadium Promenade 25); Washington (Parkway Plaza Stadium 12); Hawaii (Dole Cannery & Stadium 18); Nevada (Village Square Stadium 18 & Century River Park 16 in Oxnard); San Francisco (Milpitas Great Mall 20, 25 Union Landing, Vallejo 14 & Century Laguna 16 Elk Grove); San Diego (UA Horton Plaza 14); Las Vegas (Village Square Stadium 18); Virginia (Military Circle 18); Texas (Legacy 24, Tinseltown USA 290); Florida (Cinemark Festival Bay 20); Hanover Maryland (Cinemark Egyptian 24); and New York (Movie World, Douglaston NY).

Actress lantaran ang panggagaya sa kapwa!

May pagka-inggitera pala ang isang actress (actress X) Hilig daw nitong manggaya sa mga gamit ng kapwa niya actress (actress Y).

“Actually, hindi lang gamit ni actress Y ang kinokopya ni actress X, pati ayos ng buhok,” obserbasyon ng source na binabantayan ang dalawang actress sa social media.

Kung anong brand daw ng bag ni actress Y, hindi magtatagal makikita mo na rin sa social media account ni actress X na ganun na rin ang gamit na bag.

Pati raw ayos ng hair nangongopya si actress X.

“Pati sapatos ni Y parang pareho na sila ni X,” dagdag ng source.

Natatawa na lang ang source na parehong kilala ang dalawang actress kasi talagang obvious daw talaga ang pangongopya ni actress X.

 

vuukle comment

ACTRESS

AICA TABAYO

ANGELICA PANGANIBAN

ANNE CURTIS

CENTURY LAGUNA

CRISTINE

HORTON PLAZA

VILLAGE SQUARE STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with