^

PSN Showbiz

James at Nadine malakas na malakas ang laban sa Kathniel!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ngayong nasa bakuran na ng ABS-CBN sina James Reid and Nadine Lustre tiyak na ang lalong paglago ng kanilang karera sa tulong pa rin siyempre ng Viva, their management company.

May mga nagsasabi na strong contender ang team-up nina James at Nadine sa love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang tinaguriang Teen King and Queen.

Marami rin ang naniniwala na kung mabibigyan lamang ng same push sina James at Nadine, tiyak na hindi magpapahuli ang dalawa sa kasikatan.

Kahit walang strong TV support ang tambalan nina James at Nadine ay dalawang beses nilang pinatunayan na meron silang strong following nang ipalabas ang kanilang magkasunod na pelikula, ang Diary ng Panget at Talk Back and You’re Dead under Viva Films na parehong hit sa takilya.

Decades of OPM collector’s item na

Collector’s item ang debut album ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra na pinamagatang Decades of OPM produced by Star Records at naka-out na ngayon sa mga record bars nationwide.

Ang Decades of OPM ay naglalaman ng mga OPM classic hits with guest singers Gary Valenciano, Martin Nievera, Piolo Pascual, Vina Morales, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Daniel Padilla, Enrique Gil, at Abra.

Ang timeless OPM classics naman ay ang mga awiting Kapalaran na pinasikat noon ni Rico J. Puno, Hawak Kamay ni Yeng Constantino, Tubig at Langis ni George Canseco na pinasikat ni Sharon Cuneta, Be My Lady komposisyon ni Louie Ocampo na pinasikat ni Martin Nievera, Please Be Careful With My Heart ni Jose Mari Chan,  at iba pa.

Ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra ay nasa baton ng musical director na si Gerard Salonga, ang nakababatang kapatid ng award-winning West End and Broadway star na si Lea Salonga.

Jose Mari Chan puwede ring komedyante

I’ve known popular singer-composer-businessman Jose Mari Chan since our Vicor days pero nung August 23 lamang namin siya napanood sa isang benefit concert. (balikan sa pahina 10)

Ito ang 8th anniversary special ng Outbox Media Production na pinamumunuan ng magandang misis ni Anthony Taberna na si Rossel Velasco-Taberna na ginanap sa Unilab Bayanihan Center in Pasig City. Naging panauhin ni Jose Mari Chan sa kanyang concert na pinamagatang A Love To last A Lifetime sina Ate Gay at ang Baihana.

Sulit ang oras na inilaan namin ni Pilar Mateo dahil napakagaling ng OPM icon na inawit lahat ng kanyang mga pinasikat na kanta tulad ng Afterglow, Be Careful with My Heart, Refrain, Beautiful Girl, Can We Just Stop and Talk A While, at marami pang iba.  Maging ang classic Christmas song niya with his daughter ay hindi rin pinaligtas ng audience. In between ay panay ang hirit ni Jose Mari ng mga joke na bentang-benta naman sa audience. 

Bukod sa husay sa pagkanta, ipinakita rin ni Joe Mari ang kanyang professionalism dahil kahit may jetlag dahil kararating lamang niya that day from his business trip sa Canada at Amerika ay wala itong kapaguran na hinarap ang kanyang concert.

vuukle comment

A LIFETIME

A LOVE TO

ANG DECADES

DANIEL PADILLA

JOSE MARI CHAN

MARTIN NIEVERA

NADINE

PHILHARMONIC ORCHESTRA

YENG CONSTANTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with