^

PSN Showbiz

Nadine unti-unti nang nakakawala sa pagiging kamukha ni Kathryn

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maraming dapat ipagpasalamat ang artista ng Viva Films ng dalawang hit films, ang Diary ng Panget and Talk Back and You’re Dead na si Nadine Lustre. Unti-unti na siyang nakakawala sa anino ng mas naunang artista sa kanya at tulad niya ay ba­hagi rin ng isang sikat na love team na si Kathryn Bernardo. Bibihira ang artista na may kamukhang sikat na artista ang nagtatagumpay. Lalo’t bantay sarado ng mga fans ng mas sikat na artista sa kanya dahil baka ma-overdo niya ang panggagaya sa ka-look-alike niya at maapektuhan ito.

Pero ang mas nakatatandang artista ang unang tatanggi na ginagaya niya  ang kamukha niya. Sapat na ang pagiging magkamukha nila para siya laging i-bash ng mga fans. Kung maging magkapareho pa sila sa ibang bagay ay baka hindi na sila pumayag, kaya labis ang pag-iingat ni Nadine na panatilihing hanggang sa mukha lang ang pagkakatulad nila. Kung maari nga sa ibang bagay, tulad ng pananamit, pag-arte, at maging sa pagkilos ay maging magkaiba sila. Hindi naman kailangang mag-effort pa ni Nadine nang husto, dahil habang nagtatagal, nakakawala na siya sa pagiging ka-look-alike lamang ng katulad niya na isa na ring Kapamilya, ‘yun nga lamang, Teen Queen na ito.

Bagaman at may pagkakapareho pa rin ang mga pelikula nila, at siguro dahil na rin sa hindi naman nagkakalayo ang edad nila, may kalayaan na si Nadine to give lip service sa kanyang mga kapareha. Hindi lamang siya kay James Reid nakipag-kissing scene sa Talk Back… kundi maging kay Joseph Marco rin. At tinilian ‘yun ng mga manonood.

Oo, first time ko ‘yung makapanood ng isang pelikula na akala mo ay isang premiere night dahil nagsisigawan ang mga manonood. Also, at 20 nagpakita na rin ng skin ang batang artista. Sa isang eksena, ang gown na suot niya ay kapareho ng gown na isinuot ni Cristine Reyes sa The Trophy Wife na kung saan ay nagbigay ng pasinaya ang kanyang boobs. Maski ang ayos ng kanyang buhok ay nagpakita kung gaano siya pwedeng maging sexy, kung papayagan niya.

Pero sa ngayon, ayaw munang mahiwalay ni Nadine sa kanyang ka-love team. Thankful nga siya na bagay sila at may chemistry. Kailangan na lamang nilang gawin ay makagawa ng mga roles na malalaki at maganda at talagang on the road to stardom na sila. Hindi rin niya inaalis ang posibilidad na baka maging sila sa kabila ng kamera, pero sa nga­yon, wala pang ganitong factor sa kanilang tandem. Okay na okay sila ng partner niya at nagkakasundo halos sa lahat ng bagay. Tinilian at pinalakpakan ‘yung announcement makatapos ang credits ng Talk Back.. na may kasunod na pelikula na, ang Never Talk Back to a Gangster na tinatayang magiging big earner din sa box-office.

Sen. Chiz nilinis na ang problema ni Heart

Hindi naman talaga papayag si Sen. Chiz Escudero na hindi makuha ang basbas ng parehong mga magulang  ng fiancée  niyang si Heart Evangelista. Ibinigay na ito sa kanila ng ama ni Heart, pero para sa ikagaganda ng imahe niya at ikatatahimik ng magiging marriage nila, kailangang mapapayag niya ang ina ni Heart na ibigay din ang blessing nito sa kanila. Kung hindi niya ito makumbinsi na magi­ging mabuti siyang asawa sa anak, paano pa niya makukumbinsi ang taong bayan na karapat-dapat siya sa boto nila pagtakbo niya sa isang mataas na posisyon sa susunod na halalan?

vuukle comment

ARTISTA

CHIZ ESCUDERO

NADINE

NIYA

TALK BACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with