^

PSN Showbiz

Kathryn pinaghahandaan ang pagkalaos?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Kung kailan naman siya sikat na sikat at saka  naman parang nakakakitaan ng insecurity si Kathryn Bernardo. Biruin mo, kung anu-ano ang naiisip niyang gawin para lang siya may fallback sakali mang bigla siyang mawala sa kanyang pag-aartista ngayon o kaya ay malaos nang wala sa panahon. Narung gusto niyang mag-aral. Gumagawa na rin siya ng recording na I’m sure na isa ring paghahanda para sa kanyang fear.

Kung sabagay walang masama na tapusin niya ang kanyang studies. Iba na nga naman ‘yung may natapos na edukasyon, pero sana gawin niya hindi sa ganitong kadahilanan. Sana gustuhin niyang makatapos dahil iba ang may pinag-aralan hindi dahil baka mawala siya bigla sa showbiz.

Sikat na sikat sila ni Daniel Padilla.  Kung malalaos siya, hindi pa ngayon, matatagalan pa. At kung mangyari man ito, siguro naman ay nakaipon na siya ng magagamit niya sa ibang bagay tulad ng negos­yo. Pero huwag muna  niyang isipin ang pagka-laos. This will come in a long, long time pa. I-enjoy na lang muna niya ang kasikatan niya at huwag mag-isip ng anumang kanegahan. Okay ba, Kathryn?

Sharon dapat tularan ang katatagan ni KC

Grabe rin naman ang mid-life crisis na pinag­da­­anan ni Sharon Cuneta. Sana nga dumaan na rin ito sa kanya para makapagsimula na siyang muli. Isipin na lamang niya na dumaraan ito sa lahat, mapa-babae man o lalaki at kung hindi niya ito maha­harap nang maayos, talagang mas lolobo pa siya at baka pumutok na sa katabaan.

Isipin din na lamang niya na nakakalamang siya sa napakaraming dumaraan din sa ganitong sitwas­yon. ‘Yan naman ay parang isang sakit na maa­ring gamutin. Hindi naman ito isang kanser na wala nang lunas. Tama na gawin niyang motivation ang kanyang pamilya na palaging nasa tabi niya para alalayan siya.

She should be stronger than her daughters, lalo na si KC Concepcion na nagpapamalas ng katatagan amidst all the intrigues and controversies na dumarating sa kanya ngayon. Dapat siya ang umaalalay sa anak niya at  hindi niya ito magagawa kung mas nangangailangan din siya ng pag-alalay. Get on your feet Megastar!

vuukle comment

DANIEL PADILLA

ISIPIN

KATHRYN BERNARDO

KUNG

NAMAN

NIYA

SANA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with