Singing Bee nina Amy at Roderick magba-babu na; Marian may designer na ng wedding gown
SEEN: Si Daniel Matsunaga ang last man standing sa PBB All In ng ABS-CBN at siya ang pinapaboran ng kanyang fellow housemates na tanghalin na Big Winner.
SCENE: Live na mapapanood ngayong gabi mula sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila ang Big Night ng PBB All In.
SEEN: Karagdagan na mga ebidensya ng breach of contract ang pagtanggap ni Aljur Abrenica ng mga show na walang pahintulot ng GMA 7 management.
SCENE: Sina Ai-Ai delas Alas at Judy Ann Santos ang mga contestant sa final taping ng The Singing Bee, ang morning karaoke game show nina Amy Perez at Roderick Paulate na magpapahinga na sa ere.
SEEN: May letrang I at O ang pangalan ng fashion designer na gagawa ng wedding gown ni Marian Rivera.
SCENE: Memories ang pamagat ng 25th anniversary concert ni Jaya sa November 10 sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino.
SEEN: Ang namumutok na mga pisngi ni Louise delos Reyes na bunga ng kanyang pagtaba. Dapat asikasuhin ni Louise ang pagpapapayat habang wala siyang ginagawa na teleserye.
SCENE: Simula ngayon, mapapanood na tuwing 2:00 pm ang Sunday All Stars. Mula sa 12 noon, naging 1:50 pm at pinalitan ng 2:00 pm ang timeslot ng Sunday afternoon variety show ng GMA 7.
- Latest