^

PSN Showbiz

Deniece walang nakakaalam kung nasaang kulungan na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong kung inilipat na si Deniece Cornejo sa Taguig City Jail dahil hindi ko na sinusubaybayan ang mga kaganapan sa buhay niya.

Pero malaki ang posibilidad na nakakulong pa rin si Deniece sa Camp Crame dahil tiyak na ibabalita sa mga news program kapag nailipat na siya.

Basta ang alam ko, wala nang balita tungkol kina Cedric Lee at Zimmer Raz mula nang ibiyahe sila sa Taguig City Jail.

Huling nasilayan ng publiko ang dalawa nang gupitan ang kanilang mga buhok at pagsuotin ng BJMP orange t-shirt, ang official uniform ng inmates sa Taguig City Jail. Hindi na magagamit nina Cedric at Zimmer ang kanilang mga signature t-shirt pero terno pa rin ang jail uniforms nila.

Hindi nawawalan ng pag-asa ang female inmates ng Taguig City Jail.

Hoping sila na makakasama nila si Deniece bago dumating ang buwan ng October.

Big deal sa female inmates ng Taguig City Jail ang October dahil ito ang buwan ng kanilang annual beauty contest. Kung sakaling mailipat si Deniece sa Taguig City Jail, isa siya sa mga gusto ng female inmates na maging official candidate ng beauty pageant.

Kumbinsido ang inmates na malaki ang maitutulong ng participation ni Deniece para magkaroon ng awareness ang publiko sa beauty contest na nagaganap sa loob ng Taguig City Jail compound. Hoping sila na magkakaroon ng TV coverage at maraming publicity ang kanilang annual beauty pageant. ‘Yon eh kung maililipat si Deniece sa Taguig City Jail at mahihimok siya na mag-join sa  Miss BJMP beauty contest.

Deniece ka-look-alike ang ‘kapatid’ ni James Reid

May mga nagsasabi na kalokalike ni Deniece ang aktres na gumanap na kapatid ni James Reid sa Talk Back and You’re Dead ng Viva Films at Skylight Films.

Wondering ang mga nanood ng Talk Back and You’re Dead sa name ng baguhang aktres na kalokalike ni Deniece.

Para sa mga nagtatanong, Via Carrillo ang pangalan ng newcomer na gumanap na kapatid ni James sa pelikula at birthday niya noong August 15 kaya perfect birthday gift na ipinalabas sa mga sinehan ang Talk Back and You’re Dead noong Augsut 20.

As of presstime, P40 million na ang box office gross ng pelikula nina Nadine Lustre at James Reid. Knowing Boss Vic del Rosario, happy na siya sa resulta ng second movie team up ng loveteam na bini-build up ng Viva Films.

vuukle comment

CAMP CRAME

CITY

DENIECE

JAIL

JAMES REID

TAGUIG

TAGUIG CITY JAIL

TALK BACK AND YOU

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with