^

PSN Showbiz

Derek ngayon lang inaayos ang annullment!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Siguradong aabot sa mediation ang demandahan ng dating mag-asawang Derek Ramsay at Mary Christine Jolly lalupa’t meron silang anak na dapat protektahan.

Malaki ang posibilidad pag nagkataon dahil malungkot si Derek na umabot pa sa korte ang `sigalot’ nila ng dating misis na kanyang pinakasalan sa pamamagitan ng isang civil wedding rites na nangyari noong 2002.

Kailangan ding asikasuhin ni Derek ang pagsasampa ng annullment procedure ng kanilang kasal ni Mary Christine nang tulu­yan na siyang makalaya sa ka­nilang relasyon na sandali lang uma­no at naging masalimuot pa. 

Lyca ayaw paawat

Alam mo, Salve A., hindi na talaga maawat pa ang tuluy-tuloy na pagsikat ng kauna-unahang The Voice Kids grand champion na si Lyca Gairanod na posibleng mapangatawanan ang titulong bansag sa kanya na Little Superstar.

Napakataas ng ratings ng Ma­alaala Mo Kaya na siyang naging acting debut ng nine-year old singer-turned child actress where she played herself.

Sa kanyang ipinakitang husay sa pag-arte sa Maalaala Mo Kaya, may potential si Lyca na tanghaling child star. May gagawin na rin siyang pelikula, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ni Vice Ganda, ang The Unkabogable Praybet Benjamin 2 at si Vice Ganda na mismo ang na­ngako nito sa kanya dahil sa sobrang tuwa niya kay Lyca.

ABS-CBN has another gold-mine in the making sa katauhan ni Lyca.

Mother Lily walang paki kahit hindi masyadong kumikita ang mga ginagawang pelikula

Showbiz icon na ang turing sa Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na 52 years nang nagpu-produce ng pelikula kumita man ang mga ito o hindi sa takilya.

Mother Lily remains a firm believer na hindi naghihingalo ang pelikulang Pilipino kaya manalo o matalo man ang kanyang mga produced movies, patuloy siyang gagawa ng pelikula hangga’t kaya niya.

Wish ni Mother Lily sa kanyang 75th birthday ang good health hindi lamang para sa kanya kundi maging sa kanyang mga mahal sa buhay at ang patuloy na paglago ng industriya ng pelikulang Pilipino, ang industriyang mahal na mahal niya.

vuukle comment

DEREK

DEREK RAMSAY

LILY MONTEVERDE

LITTLE SUPERSTA

LYCA

LYCA GAIRANOD

MOTHER LILY

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with