^

PSN Showbiz

Pamahalaan mali ang diskarte sa kalusugan ng sambayanan

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Soft drinks naman daw ang lalagyan ng tax. Okay sa akin ‘yung alak at sigarilyo, pero para namang sobra na ‘yung pati mga soda, lalagyan din ng buwis para lamang malimitahan ang pag-inom nito ng tao dahil lang nakapagpapasakit ng diabetes.

Siguro ang dapat tutukan  ay ‘yung maling pagkain ng mga tao  na dahilan sa kahirapan ay hindi na nila mapili pa ang kinakain nila.

What is available at kaya nilang tustusan ‘yun ang kinakain nila. Akala n’yo ba  yung palagi nilang kinakain ang gusto nila, kahit masama ang epekto ng palaging ito ang kinakain nila? Hindi pero ‘yun lang ang afford nila. At ‘yung maraming may sakit ng diabetes, lalo na yung mahihirap ay ni hindi naman makainom ng soft drinks. Tapos softdrinks ang sisisihin nyo?! ‘Di ako umiinom ng softdrinks pero,maghanap naman  kayo ng mas mabigat na alalahanin na dinadala ng sambayanan, ‘yun ang so­lusyunan n’yo! Huwag ‘yung kung ano lang ang maisip n’yo!

Napakarami pala ng mga kasamahan ko sa showbiz ang kung ‘di may dinadalang karamdaman ay may mga miyembro ng pamilya na may sakit. Sa kanila ipinaabot ko ang aking suporta ng dasal. Ito lamang ang maari kong maitulong at sana palakasin pa ng Diyos ang kanilang loob para malabanan nila ang mga pagsubok Niya.

‘Wag na nating isa-isahin ang pangalan.

Kakaibang karanasan ng kaibigan!

Iba na talaga ang panahon ngayon. Nung Mar­tes, ang daming inabot ng rain surge sa Kamay­ni­laan. Isang kaibigan ko ang naipit sa traffic sa harap ng City Hall at wala pang ilang minuto makatapos kumulog ng malakas ay bigla ang pagdating malakas na ulan at inabot agad hanggang tuhod ang tubig. Bago umulan, nagdilim ang buong paligid gayung alas kuwatro pa lang ng hapon. Sa sobrang dilim inakala niyang matatapos na ang mundo. First time niyang maranasan ‘yun at nalungkot siya dahil ni hindi man lamang daw niya nakasama ang pamilya niya sa hu­ling sandali. Pero, nang tumawag siya ng bahay niya, napag-alaman niya na dun  lamang pala sa lugar na kinalalagyan niya masama ang panahon. Sa lugar na kung saan ay narun ang pamilya niya ay maliwanag ang sikat na araw at walang ulan. Ano ba ‘yung nangyaring ‘yun?

Shaina gusto muna i-enjoy ang single blessedness

Kung kailan enjoy si Shaina Magdayao sa kanyang pag-iisa nang walang karelasyon at saka naman dumarating ang mga manliligaw niya. Bagaman at grateful siya at binubuo nila ang kanyang pagkababae, hindi pa rin niya ipagpapalit ang kanyang single blessedness sa pamamagitan ng pakikipagrelasyong muli. Enjoyin na lang muna niya ang atensyon na ibinibigay nila sa kanya. Imimintina din niya ang kanilang offer of friendship bago ang panliligaw nila. Kung talagang mahal nila ang aktres, hindi nila siya mamadaliin.

 

vuukle comment

ANO

BAGAMAN

CITY HALL

NILA

NIYA

NUNG MAR

SHAINA MAGDAYAO

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with