^

PSN Showbiz

Luis at Angel pakakasal daw bago ang 2016 elections

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Marami na ang nag-aabang sa ga­ga­wing proposal ni Luis Manzano sa kanyang nobyang si Angel Locsin matapos mag-propose on national TV si Dingdong Dantes sa kasintahan nitong si Marian Rivera.

Marami rin ang nagsasabi na sa taong 2015 magpapakasal sina Luis at Angel bago ang 2016 elections kung saan inaasahang tatakbo sa pagka-mayor ng Lipa City ang actor-TV host.

At 33 and 29, pareho nang nasa edad sina Luis at Angel na magkaroon ng sariling pamilya.

Birthday ni Ipe malungkot

Ngayong Biyernes, August 22 ay kaarawan ng aktor na si Phillip Salvador at wala pa kaming alam na plano kung paano ito isi-celebrate ng ama ni Joshua Aquino.

Tiyak na hindi magiging masaya si Ipe (palayaw ni Phillip) kung ito’y kanyang gagawin sa labas dahil hindi kumpleto ang kanyang barkada.  May ilang taon na ring namayapa ang action star na si Rudy Fernandez habang ang dalawa pa niyang best friends na sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla ay naka-detain naman sa Custodial Center ng Camp Crame. Through the years, subok na ang pagiging matatag ang pagkakaibigan nina Sen. Jinggoy, Sen. Bong at Ipe at nung nabubuhay pa si Daboy. (Maligayang kaarawan Kuya Ipe. – SVA)

Imelda, Eva, at Claire hindi pa rin natitinag

Sa kabila na meron silang respective solo singing careers, marami pa ring producers ang interesado na pagsamahin ang tatlong Jukebox Queens na sina Imelda Papin, Eva Eugenio, at Claire dela Fuente sa isang show.

Last Wednesday, August 20 ay nagkaroon ng successful concert ang tatlong Jukebox Queens sa Midas Hotel (dating Hyatt Regency Hotel) along Roxas Blvd. sa Pasay City at malamang na magkaroon ito ng repeat show sa nasabing lugar.

Tuwang-tuwa ring ibinalita nina Imelda, Eva, at Claire na may mga naka-line-up na rin silang shows sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas maging  sa  ibang  bansa na silang tatlo  ang  magkakasama.

Toki kasama sa Best Restaurants

Nagkanda-buhol-buhol ang traffic along Valencia St. in Quezon  City kung saan naroon ang bagong Events Place  (dating Regal Films office and studios) ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde nung nakaraang Martes (Aug. 19) ng gabi sa ika-75th birthday mismo ni Mother Lily, one day before the birthday ng yumaong movie king na si Fernando Poe, jr. (Aug. 20). 

For the love of Mother Lily, hindi na alintana ng mga bisita ni Mother Lily ang matinding traffic.

Sa rami ng bisita, nag-hi-hello na lamang kami sa birthday celebrant at umalis na rin kami lalupa’t nanggaling pa kami sa Manila Peninsula Hotel kung saan ginanap ang taunang pagkilala ng Philippine Tatler para sa 2014 Philippines’ Best Restaurants kung saan kabilang ang Toki Japanese Restaurant na matatagpuan sa panulukan ng 32nd st. at 5th Avenue sa Bonifacio Global City, Taguig City na dinaluhan na mga kilalang personalidad sa lipunan at restaurant industry.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BEST RESTAURANTS

BONG REVILLA

BONIFACIO GLOBAL CITY

CAMP CRAME

IPE

JUKEBOX QUEENS

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with