^

PSN Showbiz

Pasabog ng aktor sa counter-affidavit unang baby sana ni Derek ipina-abort daw ni Mary Christine

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Suportado talaga ni Regine Velasquez, ang nalalapit na concert ni Ogie Alcasid na TBT with Mr. A na gaganapin sa Music Museum sa August 28. Hindi lang sa Instagram account niya ito pinu-promote kundi naisisingit pa niya minsan sa show niya.

Isa sa mga special at surprise guests ni Ogie ay si Dingdong Avansado na special guest ni Regine sa Sarap Diva sa Sabado ng umaga.

PAK: Kabi-break lang ni model/actor sa kanyang girlfriend na isa ring magandang model pero tahimik lamang sila.

Maayos naman daw ang break-up at nanatili silang friends.

Nakuha na pala silang dalawa sa isang game show na ang konsepto ay mga mag-partner gaya ng mag-asawa o magsyota. Bilang professional, itinuloy pa rin nila at sayang din naman dahil raket din ‘yun.

Pero hindi na sila tinutukso ng host dahil talagang dedmahan sila, at nag-iiwasan kahit mag-partner pa silang naglaro.

BOOM: Kampante ang abugado ni Mary Christine Jolly na si Atty. Isaiah Asuncion na magiging fair ang hustisya at mabibigyan daw sila ng fair trial.

Matindi kasi ang pasabog ni Derek laban sa dating asawa nang mag-submit ito ng kanyang counter-affidavit kamakalawa ng umaga.

Base sa isinumiteng affidavit; lumalabas na battered husband si Derek.

Matindi ang pinagdaanan ni Derek sa babaeng iyun base sa inilahad niya sa kanyang affidavit.

Isa sa rebelasyong iyun ay ang kuwento ng aktor na ipina-abort daw ni Mary Christine ang unang baby nila na ipinagbubuntis nito.

Ayaw daw talaga ng babae na mabuntis dahil nalaman din daw niyang dumaan na raw ito sa abortion mula sa una niyang boyfriend, at gusto raw niyang ulitin ngayon sa ipinagbubuntis niya.

Bahagi ng pahayag ni Derek sa kanyang counter-affidavit; “I was crying profusely when I learned that the baby was gone. I repeatedly asked her why she went through with the abortion. Complainant, instead of being regretful, berated me and employed physical harm on me when she had recovered, saying that I was not supportive of her when she went through the abortion. This led me to think that maybe she does not want to bear a child, as this would cramp her lifestyle.”

Kaya matagal bago naniwala si Derek na kanya talaga ang pangalawang ipinagbubuntis nitong babae.

Pagkalipas pa ng walong taon bago pumayag na ipa-DNA test at nakumpirmang siya nga ang ama.

Kaya gusto ni Derek na mabigyan ng privacy ang  bata at magkaroon ng sapat na panahong makasama ito at maibigay ang pagmamahal ng isang ama, pagkatapos niyang ma-trauma sa dating asawa.

 

vuukle comment

DEREK

DINGDONG AVANSADO

ISA

ISAIAH ASUNCION

KAYA

MARY CHRISTINE

MARY CHRISTINE JOLLY

MATINDI

MR. A

MUSIC MUSEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with