^

PSN Showbiz

Sam itinangging nanliligaw kay Shaina, never pa ngang nakipag-date sa aktres

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Itinanggi ni Sam Milby na si Piolo Pascual ang naging dahilan kung bakit hindi niya niligawan si Shaina Magdayao dalawang taon na ang nakararaan. Aminado ang aktor noon na mayroon siyang paghanga kay Shaina. Matatandaang sina Piolo at Shaina ang nauugnay sa isa’t isa noon. “Walang dahilan, it’s hard to explain. I guess ‘yung tension siguro, ‘yung mga times na nag-hang out kami, we didn’t have a chance to really talk. Kasi laging kasama ‘yung mga kaibigan din. Ako, nahihiya din ako,” bungad ni Sam. “It’s funny, kasi dati sabi ko na gusto ko siya ligawan. Actually at that time, two years ago, nothing happened. We didn’t get to hang out. We didn’t get to talk. So it’s nice na no’ng nag-hang out na kami with common friends, it started off na no pressure at all. Our friendship has gotten really nice,” kwento ng binata. 

Kamakailan ay inamin ni Shaina sa isang pahayag na madalas silang lumabas ngayon ni Sam. Kung tungkol sa panliligaw ng aktor ang pag-uusapan ay mas mabuti raw na si Sam na lamang ang tanungin ayon kay Shaina. “First off, kung gusto kong ligawan or meron akong dine-date, parang ayaw ko rin sabihin kasi parang kapag sinasabi ko, parang hindi siya nangyayari,” reaksyon ni Sam. “You know what’s nice? We have the same group of friends, showbiz and non-showbiz friends. Madalas kami nagha-hangout, pero kung nagde-date kami, never pa kami lumabas na kaming dalawa. So hindi kami nagde-date. We are always with our group of friends,” giit ng aktor.

Enrique enjoy na enjoy kay Liza

Unang nagkasama sa pelikulang She’s the One sina Enrique Gil at Liza Soberano. Marami ang nagsabing maganda ang chemistry ng dalawa sa nasabing proyekto. Ngayon ay nakatakdang magtambal nina Enrique at Liza sa teleseryeng Forevermore. “I’m excited, I want to start working again. Sobrang ganda ng story namin and I really want to be partnered up with Liza. Kasi maraming comment do’n sa She’s the One, especially sa ending na parang pwede (maging love team),” nakangiting pahayag ni Enrique. Mukhang mas mapapalapit sa isa’t isa sina Enrique at Liza lalo na ngayong magtatambal din sila sa isang bagong pelikula na may titulong The Bet. “I mean we kind of hang out more and sa team up namin it’s going to be awesome guys, at gusto ko lang mag-enjoy eh. Kung nag-i-enjoy ka, ‘yung mga tao na nanonood mag-i-enjoy. They’re just gonna have fun so abangan nila,” pagbabahagi ng binata.(Reports from JAMES C. CANTOS)

vuukle comment

AMINADO

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

KASI

LIZA SOBERANO

PIOLO PASCUAL

SAM MILBY

SHAINA

SHAINA MAGDAYAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with